Tuesday, November 29, 2011

Happy Anniversary Cheebadings

 Nung 11-26-11 pa po ito, pinost ko lang dito. :)

Introduction

We're ******. We ****. We're *****. We're not *******. But that's okay. We ***** at the randomest things. We **** a lot. We **** each other's ******* side, not to mention our *********. Eventhough we ******** sometimes, we never *****. We ******* in ******* when we *** our ******* , who cares, that's ******. We're *****. And I **** it. We **** it. And this is for ****. Happy Anniversary. ♥
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This entry is special because my friends will be featured here. CHEEBADINGS, sila yun. The reason I smile, cry (because of too much laughter), laugh, love, sleep and get tired everytime I'm in school.

History of Cheebadings
 " May isang tsikading na dumapo sa sanga, dumating ang isa, dalawa na sila. Tsikading. Tsikading. Lilipad-lipad. Tsikading. Tsikading. Lilipad-lipad."

Dyan po nagsimula ang lahat. Dyan sa nursery rhyme na yan. Naghihintay kami nun for our next class, I think it was Algebra. Nagrereminisce kasi kami nun ng mga nursery rhymes nang maisip namin yung tsikading, lilipad na yan. It was November 26, 2010. Ginawa naming laro yun. Kasi diba hanggang sampung tsikading yun. Tapos, number 1 pa nga raw si Jhem, kasi siya naman ang mukhang bading.

And then Rob said, "Kung may kampons, may cheebadings." Hindi pa nga namin alam ang spelling ng pangalan ng group namin. Tsibading? Chibading? At bigla na lang may group kami sa Facebook na... "Cheebadings :p" kaya yun na yung name namin.

Advantages: <advantages talaga. friend with benefits. :) at lahat po kami nakikinabang sa advantages na yan>

Madaling makahanap ng groupmates kapag may groupings.

Hindi ka aantukin sa school.

Tawa ka ng tawa. <Nakakasakit ng tyan. Sobra. Kaso, bawas-bawas na rin dahil baka magdala ng labis na kalungkutan>

Marami kang nakikilala <especially boys>

May kasabay ka sa lunch.

May nakareserve nang seat sayo kapag test sa Accounting. o kapag may klase.

Ma-late ka man, sureness, may upuan ka. pwera na lang dun sa mga nang-aagaw. Nakita nang nakareserve kukunin pa rin. <bitter teh?>

May kopyahan ka ng assignment/seatwork especially *******. <alamin nyo yan. :P>

May kadate ka kapag holidays. <birthday, christmas, undas?, new year?, valentines,summer>

Dumadami ang pictures. Pang-DP din yun.

Natututo ka ng salitang kalye. <ehem, pres. Teka, advantage ba yun?>

Masaya ka sa soundtrip namin. <Nung first year, ganyan kami, bawas-bawas muna ngayon, kasi nagpapractice po sila sa audition sa X-Factor>

Trip nyo ang isa't isa. <Leche, hindi to advantage. pikon ako eh.>

May kakampi ka sa bawat oras. <haha. siyam na kagad kakampi mo eh.>

Marami kang nalalaman sa bawat member. <Pano, mga hindi nauubusan ng kukwentuhan>

May pagkain kapag umaga <minsan! nung first year din po yan, pero nung 1st sem, may toka kami sa chicharon, ngayon wala na.:(>

Itutulak ka niyan sa crush mo.

Tapos makukuha mo pa yung number nung crush mo. <epal lang, yung akin, wala pakong number. Ako nang may masungit na crush.>

Lagi mong makikita yung crush mo. <well, depende kasi yan sa sched niya. pero pag may pasok, we always try ang best para makita ang mga crushes namin. Pwera na lang sa isa diyan, ehem pedj, na banggitin mo pa lang yung name nung crush niya, tumatakbo na. Magugulat ka na lang nasa baba na.>

We care for each other. <kahit hindi halata.>

We love each other.

Walang laglagan.

Walang bukuhan. Sa crush meron.

Kahit anong mangyari, hindi kami mabubuwag. <pero feeling ko nga mabubuwag na tayo bago mag-anniv. so para san pa to? Nagpagod lang ako sa pagtype.>

In short, SASAYA ANG COLLEGE LIFE MO! COLLEGE LIFE WON'T BE BORING!


Pero hindi naman lagi masaya diba? May mga pagkakataong din na hindi nagpapansinan kasi, nabadtrip. Pero never naman kami nagsigawan chever. Tampuhan lang talaga. Hanggang dun na lang yun. :).

I wont give any disadvantages. Para saan pa yun? Walang kwenta lang ilalagay ko dun. Kasi about lang naman sa mga crushes namin o sa mga lalaki kami nagkakaroon ng disadvantage. For example, may bigla na lang dumaan na lalaki, not to mention kung gwapo o hindi. Tapos bigla na lang silang magsasalita na ang "Kuya, crush ka neto oh." May times naman, na kung makangiti yung lalaki dahil sinabihan na may crush sa kanya. Hmmm, basta masaya. Hihihi.

Activities:

Talking. Smiling. Laughing. Crying. Loving. Crushing.

Guy hunting.

Poking. Eating. Gossiping. Sleeping. Backstabbing. <JOKE! Hindi naman kami nang-aaway. Hindi lang kami nagpapaapi.>

Studying <Nag-aaral pa naman po kami>

Kung dati, umupo sa sahig kapag recitation sa Accounting. Ngayon, kabahan sa upuan kapag recitaion sa Accounting.

Walking. Playing. Thinking. Breathing. Winking at boys. <Activity lang po yun nila Rob, dati, not sure if hanggang ngayon. Alam nyo yung Slater's wink. haha. wala lang naalala ko lang.>

STALKING


Places:
Ang aming sintang paaralan tanglaw ka ng bayan. :).NPA po kami kaya, if you need us <wag lang po financially, dahil wala rin kaming pera, purita kami> eto po yung mga room namin. <oy stalkers! tuwa na yan. :)> E503. S517. E511. E513. E509. N505. OC. Syempre, maliban sa mga yan, kadalasan nasa tapat kami ng clinic, basta malapit dun, <dun po kami kumakain>, sa bahay namin, sa may dome, kay scheduler sa xerox sa baba at palibot- libot sa 5th floor.

Members:
1. John Michael E. Emboltorio
2. Rocel M. Evangelista
3. Kristle Ann G. Sapurna
4. Jennilyn May B. Regalado
5. Sharalyn M. Dizon
6. Ronallen V. Madrona
7. Rhea jane D. Espliguez
8. Ped Jelyn M. Elale
9. Charmaine Joy R. Diapolit
10. Rob Welliam S. Poblete


 You'll know them more as you read the next entries. Enjoy, my friends. :)

 Cheebading # 1: John Michael E. Emboltorio

Nickname: Jhem, Embol, Embs, John, John-john
Age: 17
Birthday: June 1, 1994
Asset: Yung nunal niya. :). JK! Pero sabi niya yung mata raw niya. K. Kayo na lang humusga.
Liability: Yung mukha niya. JK. :)Sabi naman niya. yung buhok daw niya. Asus, eh di kalbuhin para wala nang buhok!

Description:
Pinanganak na pong Jokerman tong si Jhem. Ayan, nagmukhang joke tuloy yung mukha. Nung first year pa kami, dakilang stalker yan. Well, hanggang ngayon naman pero dati kasi siya yung nagpapakilala sa mga crush niya. I mean, kilala niya na yung crush niya bago pa niya ipakilala. Like, hmmm, should I say his name, sige na nga, ay wag na lang, makikilala nyo rin naman siya.

Well, hmmm, si Jhem kasi, hindi po yan mabait. Salbahe po siya, nangunguna sa mga pang-aasar ng ibang tao. Pero feel ko naman ang support niya sa mga crushes namin. Dun na lang sa part na yun siya mabait. Pag sinabing punta rito o daan doon, go naman siya.

Scholar po siya. Wala sa itsura. Nag-top na rin yan sa Departmental Exam sa Accounting. Kagulat-gulat po talaga, maybe inspired by that time. Tapos nung nagsecond semester, nagkaroon po siya ng grade na 2.75 ata yun, sa Accounting, nung nakita niya yun sa SIS, tumili daw ba. Nagtinginan tuloy lahat ng taong nandun. Sabi niya, akala dw kasi niya na makakakuha siya ng tres kaya napatili sa 2.75. At ngayon, naghahangad po yang magkaroon ng uno sa Accounting.

N.P.: The One That Got Away by Katy Perry

Favorite daw niya. K!.

 Part po siya ng 3Gs. Kung nanonood kayo ng PBB, alam nyo yun. Siya, si Tle at si Rob. Mala-Maasinhon Trio din po ang dating nila. Kung nanonood naman kayo ng PGT, alam nyo rin yan. Mga aspiring singers po sila. Mga frustrated singers. :). Hilig pong kantahin ni Jhem ang theme song ng Budoy. Siya po kasi si Budoy. :). May kinakanta po silang tatlo eh, hindi ko lang alam yung title. At meron pa silang isang kanta, with matching dance po yun. All About Him. :)

Humihingi po ako ng tulong sa inyo para sa pambili ng blackberry. Kung makikita nyo lang po ang cellphone niya, matatawa kayo. Pero sabi nga niya, "At least may load."

Mahilig po siyang magjoke, tulad nga ng sabi ko kanina. At yung mga joke niyang yun, galing sa isang page sa Facebook.

Fan ni Cameron (The Glee Project), ni Allison (America's Next Top Model) at ni Slater (Pinoy Big Brother Unlimited).

Hilig niyang mag-pout but not a pro. Someone's pro with that kind of thing.

Loyal po pala yan kay *toot*, malalaman nyo rin. Pero ngayon, I can't tell. Matapos ba namang ma-broken hearted. Magshi-shift na yan! Hindi ng course, ng boylet. :)

Mahilig po yan magpaulan eh. Magpaulan ng saliva. :). Hobby po niya yun. :P

Describe yourself in ONE word: DANGEROUS

Ambition: To love and to be loved


Motto: You put the good in good morning. <leech yang mottong yan!>


Define Love: Love is the greatest feeling in the world.


Crushes: <arranged as past to present>
Reginald Macariola - hindi ko na maalala kung paano. Nagwapuhan din kami diyan eh, kaso na-turned off yung iba sa amin kasi he's smoking. Ayun. Pero naging PPP na siya sa amin, at medyo nakakairita. Pero nawala yung irita at ung pagka-PPP kasi naging crush cia ni Rob. (Translation: PPP means Papalapit Papalapit Panget)

Jomari Jardio - ang crush niya sa room. Siya kasi yung unang napansin niya sa room. Kahit itanggi niya sa amin na wala siyang paghanga kay Jom, feel pa rin namin ang kilig niya. Hahaha. May crush po talaga yan kay Jom, diine-deny niya lang. Confused feelings kumbaga.

Danmark Piedad - Ang taong kanina ko pa tinutukoy. Loyal po siya dian ngunit brokenhearted na nang hingin yung number ni Tle. Hahaha. Nakikiramay po ako sa patay niyang puso. Lagi pa naman namin dinadaanan yung room niya nung first year. Tsk. Tsk. Pati nga ngayon eh, at sobra po siyang namula nung lumapit si Danmark kay Kristle, pinipilit po kasi namin siya ipakilala, ayun, namumula. Kung dati boto ako sa kanya, ngayon hindi na, kay Jom na ko. Hahaha!

P.S: Check out the pictures. :). Nandun ung mga crushes niya. :). paclick nung external link.

Facebook Account: http://www.facebook.com/jhem.bol

Twitter Account: http://twitter.com/#!/Jhem_Bol

 Cheebading # 2: Rocel M. Evangelista

Nickname: Ceng, Rocel, Pres, Evangs
Age: 17
Birthday: July 20, 1994
Asset: Leadership Skills and her muscles. Body Builder po siya. Y'know Mama Luz? (PBB Unlimited). According to her, it's her smile. K!
Liability: Face din po like Jhem. Hahaha. JK! Hindi ko maalala kung sumagot ba siya. Pero para sa akin, wala akong maisip, how would i know?

Description:
The class' president. Since first year pa namin siya president. Active kasi masyado nung first day, ayan, president hanggang ngayon. Pero ang alam ko, gusto rin naman niya yun.

N.P.: Jetlag by Simple Plan ft. Natasha Bedingfield

Favorite po niya yung kantang yan. Lagi niyang kinakanta sa room this past few days.

She's loud and energetic. Kapag badtrip siya, badtrip talaga. Minsan, lahat nadadamay. Grabe kaya yan sumigaw, sakit sa tenga. Tapos one time, bigla na lang 'po' ng 'po', nakakairita kaya yun nung umpisa. Pero nakisakay na lang kami. :)

Well, si Pres, hmmm...tibo yan eh. De Joke! May pagkasweet lang. Lalo na kay Jen! Haha, silang dalawa lagi. Pero bigla kasi yang nangyayakap o lalapit sayo tapos hahawak sa braso mo. Nakakatakot nga eh. Hahaha. JK!

One of the boys po siya. Medyo close kasi sa D' Boys. <another group in our room. Ayyiiiee, namention sila dito. As if naman mababasa nila.> At diba nga sabi ko kanina, may pagkatibo yan si Pres. Haha! Joke lang! Ang totoo kasi niyan nandun po yung crush niya kaya ganun. Joke uli! Makikilala nyo rin siya mamaya. ^_~

Nag-wa-wildsons po siya. Kaya sa mga nag-wa-wildsons dyan, hanapin nyo siya. At tandaan nyo ang mukha niya! Tapos kuyugin nyo, pero baka talo rin kayo sa kanya, baody builder yan eh. :). Pero banal yan si Pres! Kasama niya pala si Jen sa wildsons.

Wattpad member din siya. Destiny2021 po yung username niya. May sinusulat siya, Angels Voice. Angels Tears. Yang, basahin nyo na! Pilitin nyong ituloy niya!

Marami po siyang friends. Sila Julius and Friends. Hanapin nyo po sila kada Thursday. Dati kasi tuwing Monday lang sila nagpapakita.

Magaling po siyang sumayaw. Hilig nya yun eh. Naalala ko pa dati, 'Shots' yung lagi niyang sinasayaw. Sumayaw pa nga yan sa Christmas Party nung Marketing, 50 Pesos din yun no.

May signature pose po pala siya. Hmmm, ayun oh. pakitingin na lang yung picture. Sabi niya kasi, pinagsamang peace sign na raw yun at pogi sign. K! ------->

Pangalawa po siya sa pinakabata sa amin. Hindi halata no? Tsk. Tsk.

V slash na po pala siya. JK! Nga pala, nagpapaulan din yan minsan si Pres, 3mm daw sabi ni Jhem. :)

Describe yourself in one word: FIERCE

Ambition: To make every moment perfect

Motto: Thought is a seed of action

Define Love: Love is never ending

Crushes: <arranged in no particular order>
Ken Mark Agustin - an accountancy student. Running for Suma Cum Laude daw siya. Nakita lang namin yung name niya na yan dahil nakita namin sa may thesis nila. Ganito kasi yun, una naming nakita yung name na yan sa bulletin nung mga results nung midterm. Lechugas, halos lahat top siya eh. Ayan, kaya siguro naging crush. May itsura rin naman. Unfortunately, wala akong picture na mahanap. Hindi nyo siya makikita.

Rommel Santos Aviso - first year college (child abuse to si pres eh) nung Accountancy Week ata nila yan nakilala eh. Matangkad. Matangkad. :). Hindi ko siya feel eh. Hahaha, ansama!

Paul Michael Toledo - Ngayong second year lang namin siya naging classmate eh. May nakita siguro si Pres sa kanya kaya crush niya. Bigla ko na lang kasi narinig na inaasar siya dun eh. PM pala ang tawag namin sa kanya. :). Siya yung part ng D' Boys. :). Pero promise! Malakas ang kutob ko na may gusto siya dun. (Note: Basahin nyo po yung story niya, yung bidang lalaki dun, di ba AM? Sino pa ba unang papasok sa isip nyo? eh di si PM!)

Arturo Mula Jr. - May picture po sila ni Pres sa likod ng ID. Si Arturo Jr. Si AJ. Ayyiiieee, Pres! Siya po talaga ang lovelife ni Pres, hindi ko pa siya nakikita in person kaya wala akong masabi sa kanya eh. Hindi rin naman taga-school yun. Yung picture po nila sa album (doon ----->) yung lalaking kasama ni pres, yun po siya. :).

P.S. : Check the album. :). yung external link po. :)

Facebook Account: http://www.facebook.com/profile.php?id=100001891048771

Twitter Account: http://twitter.com/#!/mynameisROCEL


Cheebading # 3: Kristle Ann G. Sapurna

Nickname: Kristle, Tle, Tleleleng, Sapu
Age: 17
Birthday: April 14, 1994
Asset: Kung para kina Jhem at Pres ay liability, para sa kanya, asset po niya ang face niya. (natuwa na yan)
Liability: Ilong daw po niya yung liability niya. arte! demanding pa sa ilong!

Description:
Muse namin nung first year. Not sure if until now, siya pa rin. Kailangan pa ba nun? So kung muse namin siya, may kagandahan siya, at hanggang dun na lang yun.

Akala ko dati mahinhin yan eh. Yun bang maganda pero NBSB kasi she's reserving herself for her one true love. Yun bang first boyfriend, yun yung magiging asawa niya. Pero hindi eh, haha, no offense, isa po siya sa tatlong kire sa amin. (yung tatlong yun, yung 3G's) Pero kadalasan talaga mali ang mga first impressions. Haha. :))

Sa mga stalker niya, taga-Antipolo siya. Lagi niyang kasabay si Rona. Duwag po yang dalawang yan, alam nyo na po gagawin nyo.

N.P.: Terrified by Katharine McPhee ft. Zachary Levi

Yan daw ang favorite niya eh. Hindi ko naman alam yan.

Pero ang lagi niyang kinakanta. O ang karaoke song niya o kapag naisipan na lang niyang kumanta, yan yung kakantahin niya. Kaya kapag biglaang umulan, siya ang posibleng dahilan. Kung hindi man siya, yung dalawa yun, si Jhem or si Rob. Isama nyo na nga pala si Shara. :)

Only child siya. Buday yan eh. Special child kaya pakiintindi na lang. :)

Gangster siya dati. Nandun yung picture, click nung external link. ---->

Part po siya ng 3Gs. And still, they are practicing for X-Factor. Hindi ko lang sure kung isasama nila yung All About Him nila, with matching dance steps.

Siya si Ms. Pout. Siya yung professional pagdating sa pag-pout. Alam nyo yung mung-gag*ng pout. Yun. Frustrated pouter. Silang dalawa ni Jhem.

Hindi naman siya madaling mabadtrip. Nung one time kasi, inasar namin ni Rona, nung una sumasakay pa eh, kaso biglang nanahimik na ewan. Badterp siya eh!

Basta boys hindi niya inuurungan. Lalo na kung gwapo. Kapag nakita ang crush, oy picture (dati yun yung kay Budoy) Mahilig nga pala siya sa mga lalaking mas maliit sa kanya.

Halos magkadikit na sila ni Rona. Kapag hindi pumunta si Rona, hindi rin siya pupunta. Pag pumunta, pupunta rin. Mga independent women. JK!

Siya ang kasabwat ni Danmark (Jhem's true crush) sa pagiging brokenhearted ni Jhem. Pero parang kumikire naman yung dalawa kay Danmark. Tsk. Tsk.

Kadalasan pala siyang naka-straight body. Pag upo, pag tayo, pag lakad, pag kain. Lahat na!

Wattpad member na rin pala siya. Dun sa taas, yung naka-dedicate. Yun yung account niya. :)

Describe yourself in one word: ENDANGERED

Ambition: To be happiest

Motto: There's nothing in a caterpillar that tells you it's going to be a butterfly

Define Love: Love is Gold.

Crushes: <in no particular order>
Edison Noviza - si Budoy. Hindi dahil sa mentally challenged, kundi dahil kamukha ni Gerald Anderson! As in, kamukha talaga niya, pero si Tle lang ang tinamaan dun eh. Accountancy student din. :)

Shaun Philip Agay - Ang pinakacrush talaga niya. :). Sabi niya eh. Hmm, ano ba? Basta crush niya yan, hindi ko alam kung pano nagsimula, pero naging crush niya eh.

Vinny Pascua - Hmmm, dati, katabi lang namin yung room nila eh. Hmmm, parang si Shaun lang, wala akong maisip. Ang alam ko na lang hiningi niya yung number ni tle. Nga pala, crush po siya ni Maica, a wattpad member. :)

Danmark Piedad - gulat kayo no? Opo, haha, recent lang yan eh. Nung simulang hindin ni Danmark yung number ni Tle. (aww, Jhem). Shift na!. :). Textmate po sila ngayon at pati si Jhem nakiki-kilig sa dalawa. Pero wala na bang girlfriend yun? Crush din pala siya ni Shammy (a friend. :))

TIgnan nyo yung album. (external link po) :). ------>

Facebook Account: http://www.facebook.com/iwlyf20?ref=ts

Twitter Account: http://twitter.com/#!/tleleleng

Tumblr Account: http://redplusblack.tumblr.com/

 Cheebading # 4: Jennilyn May B. Regalado

Nickname: Jen, May
Age: 17
Birthday: April 21, 1994
Asset: Ang kanyang color. Hihihi. Ayyiiiee, asset niya yun. Black beauty po kasi siya. Pero sabi niya mata daw, eh di sige, mata kung mata.
Liability: Yung boyfriend niya. Dahil committed na siya (engaged na nga sa FB eh), mahirap nang magkaroon ng crush. :)). Sabi niya po, yung skin niya. Siya po mismo nagsabi ha. Mabait po akong bata.

Description:
Kung si Kristle may kagandahan, si Jen meron din, may additional nga lang. Additional? Ah basta! Black Beauty, bow!

N.P.: Marry Me by Train

Yan naman yung kanya. K! Sumusunod lang po ako. :)

Kasama niya si Pres sa Wildsons. Sila yung medyo close lagi. Pero pag nagsama-sama kami nila Jen at Rona, swerte ang sumasalubong sa amin, lalo na pag sa crush!

Siya na yung pinakamabait sa amin. Ay, joke! Ako pala ang pinakamabait, so, pangalawa lang si Jen. Hindi yan nangongopya eh, malinis sa loob.

Matalino rin yan eh. Siya nga nagtuturo sa akin minsan eh. I mean sa kanya ako nagtatanong minsan pag Accounting, nasasagot naman niya.

Tawag namin sa kanya dati, NITA, pero dati yun. Tapos, ako ata ang pinakamalakas na nang-aasar sa kanya eh. Asus, mahal ko naman yan si Jen eh. Alam naman niya yun.

Batiin nyo siya tuwing 7. Araw nila yun mag-syota eh. Ah, oo, siya lang ang may boyfriend sa amin. Ay, si Shara pala meron din, hanggang ngayon pa ba? Akala nga namin magbe-break na eh (sila Jen), eh hindi pa pala. Laking panghihinayang ni Pres eh. :P

Reader siya ng Wattpad. Kaso walang account, sa cellphone ni Rona. Ayun!

Ahh, si Ms. Wedge. Aba, nagwewedge na ngayon. Na-feel siguro niya ang liit-liit niya. K! Bahala siya, lalayuan talaga namin yan ni Rona. Ay, wait! Pag nakawedge pala, nabibigyan ng rose. Pag-iipunan ko na nga pambili ng wedge. Wedge, alam nyo yun, yung simple machine, yun bibilhin ko. (YIKES! Corny!)

Pero may crush yan, kahit may boyfriend na, kumikire pa rin. Haha! Lechugas yan. Naalala ko na naman yung... ah basta! Makikilala nyo rin MGA crushes niyan!

Ngayong second year lang kami naging close, yung kaming tatlo nila Rona. Ewan ko kung paanong nangyari. Would somebody tell me?

Marami pala yang kapatid si Jen sa school. Lahat ng mapuputi, yun! :)

Describe yourself in one word: LISTENER

Ambition: To be successful

Motto: Make the best out of everything

Define Love: Love is sacrifice.

Crushes: <ungrouped data>
Kuya Ed - Hindi ko alam yung buong name niya eh, nakalimutan kong itanong. Wala rin akong picture pero hindi na naman ata kailangan yun eh, tignan nyo na lang yung picture ni Daniel (boyfriend niya). Magkamukha kasi Kuya Ed at Daniel. Mas matangkad lang si Kuya Ed, fourth year na eh.

Jhay Lumba - JPIA Dancer. Hinangaan ni Jen dahil sa angking galing sa pagsasayaw. :). Magaling daw sumayaw ng 'Teach Me How To Dougie'. Tama ba? Eh nagkataon namang classmate niya si ano. Haha. :).

Michael - Sorry, nakalimutan ko yung surname niya. Basta F yun eh. Ferrer ata. Anyway, matalino naman siya sa Accounting. Maganda rin pumorma. Ang galing. Yun, nasa honor section. Nagbabasa din siya  ng Wattpad. Hindi ko lang alam kung may account siya.

Daniel Reyes - The boyfriend. Ayyiiee. Siya nga po. Yung boyfriend. :). Hindi ko matandaan yung course basta sa sixth floor siya. Ayun. Siya po uli yung boyfriend ni Jen. :)

May pictures po dun kapag ni-click yung external link. Pati music video ng Marry Me. ------>

Facebook Account: http://www.facebook.com/jenmay07

Tumblr Account: http://guarjenangel.tumblr.com/

Cheebading # 5: Sharalyn M. Dizon

Nickname: Shara, Sharalyn, Shombi, Shombs
Age: 16
Birthday: December 4, 1994
Asset: Okay, ang asset daw niya ay hmmm. Eyes!!With matching pikit-pikit-pikit. In short, beautiful eyes.
Liability: Hahaha. Yung voice niya, hindi na yun maitatanggi.

Description:
We're both form Mandaluyong City. Ang lungsod para sa mga baliw. K! Pero mas matindi siya, kasi alam nyo yung school niya nung highschool. Mataas na Paaralan ng Neptali A. Gonzales (MPNAG). In English, Neptali A. Gonzales High School. In short, NAGHS ---> kayo na bahala kung paano nyo babasahin yan.

Siya yung topic namin nung first day ng college. Ang daring kasi ng damit. Ganyan po siya. Minsan daring, minsan naman parang , hmmm. _____ (insert adjective here)

Source of enjoyment namin siya ni Pedj.

N.P.: On this day by David Pomeranz

As usual, their favorite. :)

Frustrated Singer! Sinasabi ko sa inyo! Kaya nga liability niya yan eh. Napilitan pa siyang sabihin yan, Hindi niya matanggap eh. With feelings pa naman siya kumanta. Alam nyo yun, with matching pikit ng mata. :)

Y'know the Thai Horro Movie, Coming Soon. Si Shomba, sya po yun. Haha. Nagstart po kasi yan kay Pedj at Rob (ayan ha, para wala nang turuan). One time kasi, kakaiba yung suot niya sa paa, medyas ata yun eh, basta ewan, bigla na lang siyang naging Shombi (We want Shombi, not Shomba)

Okay lang yun sa kanya, kasi akala niya maganda si Shomba. Ngayon-ngayon lang niya nalaman na nakakatakot yun.

Pero, sa totoo lang, naiinis ako dun sa mga taong tumatawag sa kanya ng Shombi na may halong panlalait na something. Inis na inis ako, kala mo kagandahan s-- (Oops, Joke lang po yun. Hindi po ako nang-aaway. Dati lang naman yun) Kakosa ko po kasi yan si Shara sa alam nyo na, sa loob, kaya malapit kami niyan.

Remember, Pedj, umulan sa libro mo ng saliva. Yung avocado?

Que horror. :). Gustung-gusto ko rin minsan na inaasar to si Shara eh, labs ko yan eh. Haha. YUCK! Kakosa nga kami di ba?

Sa aming sampu, siya yung pinakamagaling mag-explain. Alam mo yun, basta kapag sa isang subject namin, kunwari explain on your own words. Kampante lang yan siya, habang kami memorize dito, memorize doon.

Hindi rin girl scout yan si Shara. Kadalasan hindi prepared pag report. May powerpoint siya pero hindi pa niya naaaral yung report niya. In short, on-the-spot reporting.

Nagtop pala siya sa Departmental Exam. Finals sa Accounting nitong first semester. Alam ko nasa top siya eh. Sayang nga yung midterm niya, kung hindi lang siya na-late nun, mas mataas siguro ang grade niya.

Not sure kung sila pa nung boyfriend niya eh. Hindi ako updated eh. Busy kakaasar sa kanya. Sarree naman. :P <Update: Sila pa raw.>

Describe yourself in one word: BEAUTIFUL

Ambition: To be a wife, CPA, singer


Motto: Ajinomoto. What is beauty if your voice is empty.


Define Love: Love is being with Shara.


Crushes:
Alexis Reyes - i'm not sure of his surname pero sabi kasi nila yan daw eh. Hindi ko na maalala kung pano naging crush ni shara yan. Speechless tuloy ako. Kabatch lang namin, accountancy student din.

Shaun Philip Agay - It started with a handshake. Hahaha. Sabi pa ni Shara, ang lambot daw nung kamay. Natuwa masyado. Hindi naman ata talaga niya crush yan eh. Ewan lang, :)

Jesus Amante - Nakalimutan ko yung surname. Yan yung boyfriend niya. Taga-Bicol ata. Tama ba Shara?

Pictures (click external link). :). ----->

Facebook Account: http://www.facebook.com/sharalyn.dizon


Twitter Account: http://twitter.com/#!/SHARAdizon


Cheebading # 6: Ronallen V. Madrona


Nickname: Rona, Ronallen, Nalen, Ronabels, roNAM
Age: 17
Birthday: February 16, 1994
Asset: Wala akong maalala na sinabi niyang asset niya. ako na lang magbibigay, sweetness. (tuwa ka naman. :P)
Liability: Yung heart niya. O kaya ako. May obligasyon sa akin yan eh.

Description:
Si Rona. Na laging kasabay ni Tle sa pag-uwi. (sorry on-the-spot writing na to, kinukulang na ko sa oras eh). Hmm, first day, hindi ko siya pansin. Pati nga nung nagpunta kami sa Intramuros, hindi ko siya masyadog kilala yun bang hindi masyadong close, pero nasama siya sa mga pictures namin. Haha. Hindi ko nga rin alam kung bakit nakatabi ko yan eh sa upuan. Alam mo ba Rona?

Hmmm. Siya raw si Nam. Yung sa Crazy Little Thing Called Love. K!

Naalala ko yung kwento niya sa akin. Kukwento ko rin sa inyo. Na sabi niya raw sa nanay niya o pinagdadasal niya ata yunna, kahit hindi na raw siya magkaboyfriend or magka-lovelife basta lang makatapos siya ng BSA. o makapasa ng board. basta parang ganun. Yun lang. :)

N.P.: It Wil Rain by Bruno Mars

Kapag nagpupunta kami ng mga kantahan yung sa mga kunwari, World of Fun, may karaoke dun. Mapipilitan lang yan kumanta. Tanggap nya talaga na wala siyang talent dun.

Mas payat siya sa akin. :). Mas matangkad ako sa kanya. :). Cute yan si Rona eh. Ayyyiiee. Classmate pala niya si Michael (yung crush ni Jen) nung highschool.

Ahh. Nung first year kami, ang hilig niyang suotin, kung hindi short, palda ang suot. Ayaw niyang nag-ji-jeans. Nahahalata yung pagkapayat ng hita. Bakit naman ako?

Speaking of suot, one time, napagalitan kami ng prof namin, pano, sabay-sabay kaming naglalakad. Si Tle, siya at ako. Mga naka-shorts pa. (Hindi po kaiklian yung akin.) Tapos pasalubong pa kami kay Ma'am nun, ayan, napansin kami. Wag daw kaming aattend sa klase niya nang naka-shorts. haha. Buti na lang nandyan si Mama Luz, salamat sa kanyang boardmate. :)

Naniniwala yan sa mga signs. Halimbawa, pag nakita niya si *toot* , mamalasin siya sa Accounting exam. Totoo po yun, kaya kailangan ng antidote. Virus po kasi si *toot*. Antidote po si P'Shone. Makikilala nyo rin sila. :)

Wattpad member din siya. Yung account niya, nasa taas. :). Siya yun. :)

Sweet naman yan si Rona eh, bitter lang minsan kay P'Shone.

Minsan bigla na lang malungkot, minsan sobrang saya. May sapak ata yan eh, buti na lang hindi pa ako nahahawaan.

Siya pala ang pinakamabilis sa amin kumain, nag-extra rice na siya nun pero siya pa rin ang nauna. Pero joke lang yun. :P.

Kakuntsaba ko yan lagi sa mga exam. :). Lalo na nung sa *******. :). Hahaha. Sorry it's censored. :). Sus, minsan lang naman kasi sipagin yung ibang member ng grupong to diba.

Pangalawa sa may pinakamaganda ang sulat. Kilala nyo na yung una. :). Hahaha. :P

Nasabi ko na sa inyo na kapag kaming tatlo nila Jen ay nagsama-sama, swerte ang sumasalubong sa amin.

Sinasabihan ko rin ng sikreto yang babaitang yan eh. Pinagkakatiwalaan ko naman yan kahit papano. <So?>

Fan ng twilight saga. Manonood nga yan mamayang hapon eh, nagpaaga ng uwi para lang makanood, iiwan pa kami. Tsk. Tsk. JK!

Ako ba unang tumawag sa kanya ng Ronabels? Ako ata eh. :)

Describe yourself in one word: DEAR (Usa!)

Ambition: To be happy


Motto: Today I will say yes. Go lang ng Go.


Define Love: Love is H-I-M.


Crushes:
Glenn Viernes - Her highschool crush. Nung una kong tingin sa picture, kamukha ni Albie CasiƱo. Uma-Andie Eigenmann si Ati. :).

Cyrus John Laparan - Siya si *toot*. :). Crush na crush yan ni Rona eh, nakakatuwa kasi yung smile niyan, Promise! Kaso malas lang talaga siya sa Accounting Life ng ating bida. :). Perokahit ganun, hindi pa rin nawawala ang ganito "<3" sa dulo ng pangalan niya. (Buking ka na) Classmate niya si P'shone. :).

Ian de Guzman - P'shone! Woohoo. Gusto mong ibuking kita? Hahaha. Pinabasa pa niya sa amin yung palitan nila ng messages ni P'shone. Pero hanggang dun na lang yung kwento. Baka hindi na ako pansinin ni Rona.

Pictures (external link) . :) ------>

Facebook Account: http://www.facebook.com/profile.php?id=100000337136934


Twitter Account: http://twitter.com/#!/ronallenmadrona


Tumblr Account: http://itwillalwaysbeyou07.tumblr.com/


Cheebading # 7: Rhea Jane D. Espliguez


Nickname: Rhea, Jane, Rheababes, Rhealyn, Rhea Mae
Age: 17
Birthday: March 12, 1994
Asset: M2M. :))
Liability: Etong buong cheebadings na to. Hindi ata ako patutulugin ng mga to eh. :|

Description:
Ngayon pa lang po, sinasabi ko na sa inyo na magiging bias ako sa kanya. Siya kasi yung pinakaclose ko sa lahat. Hindi kami nag-iiwanan niyan eh. Mahal namin ang isa't isa. Mula sa anino hanggang sa hininga't utot, alam namin ang isa't isa. Ganyan kami ka-close.

Siya po yung pinakamabait sa grupo. As in, lahat ginagawa niyan para lang sumaya yung grupo nila. Kahit napa-corny ng joke, ni-jo-joke. Mabait yan hindi lang halata. :)

Siya rin ang pinakamadaldal. But she's not the loudest. :). Daldal dito, daldal doon. Kaya nawawalan ng boses eh. One time nga, hindi na siya makapagsalita dahil wala nang boses ang lumalabas sa kanya. Y'know, the reason for that is, sabi niya, ayaw kasi niya ng tahimik. Alam nyo yun, para hindi lang maging payapa ang mundo, mag-iingay siya. Gusto rin niyang makuha ang atensyon ng tao (pampam yan eh) lalo na yung mga tahimik. Hello! Nakakapanis kaya ng laway yan.

Siya rin ang pinakamasipag. Haha. Sa paggawa ng reviewer. Masipag din naman yung mga ka-member niya eh, masipag sa pagpapaxerox. Pero sa totoo lang masaya na sya nun, kasi sa kanya yung original copy. :)). Joke. At least nakatulong ako, :).

N.P.: Eyes on Me by Faye Wong

Siya rin pala ang pinaka maganda kumanta sa sampu. Kung papipiliin nyo ako, si Rhea na lang. Mas safe ang eardrums nyo. Promise. :).

Mahal na mahal nya tong grupong to eh. Gusto na nga niyang mabuwag to eh. Alam nyo yun, para masayang yung effort na to. :). Ayaw niyang naiinis sa kanya ang mga tao lalo na yung mga kalapit niyang kaibigan.

Iyakin pala siya! Sobra!

Moody din pala yan. :|

Malakas mang-asar. :). Pero matuwa ka, kasi kapag inaasar ka niyan, ibig sabihin, mahal ka niyan o namimiss ka. :).

Masayahing bata. Friendly but shy. Mahiyain yan. Nahihiya kasi siyang mag-approach sa tao, baka isipin kasi nila na FC siya. Kaya mas mabuti nang hindi lumapit. Pero astig naman siyang kaibigan eh (YUCK!)

I love compliments but not sarcastic compliments. Ayaw niya yung masyadong nambobola dahil may kailangan. Dahil nga sa friendly siya, ayaw niya sa mga taong kaya ka lang kinaibigan dahil may benefit sayo.

Loyal din siya. Hopeless Romantic (Eww. Yuck talaga!) Pero totoo yung loyal. :). Dahil mahal ko tong taong to, initials lang ang ibibigay ko sa crush niya. Hindi pa raw siya nakakapagpaalam.

Hindi naman masyadong bias no? Basta mabait yan si Rhea. Frugal nga lang, pero pag gutom na gutom, walang frugal-frugal. Bili kung bili basta mabubusog. :).

Wattpad member pala siya. May story siya eh. Yung Eyes on Me. Basahin nyo, walang kwenta. :)) Parang tulad nitong entry nato, mung gag* lang. Leech kumbaga. :)

Describe yourself in one word: LEECH (Translation: Leche)

Ambition: To fulfill my dreams


Motto: Simplicity is beauty


Define Love: Love is when you see yourself in the mirror. (Joke!) Love is God.

Crush: <isa lang yan!>
PCL - siya po yung crush ni Rhea. Isang taon na. hahaha. :P. Hawig niya po si Cory Monteith ng Glee. <sa aking pananaw> bow. (sorry, this is a private topic)

Sorry, no pictures. :). Ayaw daw nyang madiscover. :).

Facebook Account: http://www.facebook.com/profile.php?id=1005720660


Twitter Account: http://twitter.com/#!/rhealcohol


Tumblr Account: http://serendipity345.tumblr.com/


Blog: http://xoakoaysiakoxo.blogspot.com/


Cheebading # 8: Ped Jelyn M. Elale


Nickname: Ped, Pedj, Ped Jelyn, L, Ella, Ella Lee
Age: 17
Birthday: March 31, 1994
Asset: Ang kanyang cleft chin. :)
Liability: Hindi ko maalala yung sinabi niya. Hmmm, ako na lang mag-iisip. Yung hormones niya. Lalo na kapag dumadaan kami kina...FDA (makikilala nyo rin siya.)

Description:
Seatmate ko rin yan ngayon eh. My loyal seatmate. Kakuntsaba ko rin yan. :)).

Siya nga pala si Charice. :). Singer yan. JK! Minsan nga lang yan kumanta eh. At matutuwa ka kasi kumanta siya. :))

Speaking of kanta:

N.P.: Destiny by Jim Brickman

Isa rin to sa source of enjoyment ko eh. Kapag naaalala ko kasi yung mga nakakatawang itsura niya, natatawa talaga ako. Lalo na kapag nasa jeep ako, napapangiti na lang ako kasi naalala ko siya.

Isang example niyan ay, nung kumain siya ng sushi nung debut ni Kamille. Kung naakita nyo lang talaga yung mukha niya, sobrang nakakatawa. Yung parang gusto na niyang isuka yung kinain niya pero pigil. Basta iba yung itsura talaga niya.

Eto, lagi naman to. Kasi nga kapag dumadaan kami sa room nila FDA, at pag once na nakita na niya si F. mag-iiba na yung itsura niyan, yung ngiti niya abot na hanggang tenga, kaya nagmumukhang clown, kaya mukhang nakakatawa. Pati yung actions niya, nakakatawa. Pag sinabi naming nandyan si F, bigla na lang yang tatakbo tapos magugulat ka na lang nsa first floor na yan.

Maganda sulat niyan ni Ped eh. Wala lang, masabi lang. Sobrang loyal din niyan, pero mas loyal pa din ako, bwahahaha. :)).

Siya ay may masungit (parang mali yung term pero wala na kong maisip eh) na tita.

Mapanlait pala yan. Lalo na sa kaibigan ni *toot*, baka mabasa niya to. :). Kasama ko rin yan sa panlalait minsan eh. Ang sama namin no. Napaka-observant din niyan eh, napag-usapan nga yung sa ____ thing na hanggang ngayon kaming tatlo nila Rona ang nakakaalam (hindi pa rin alam ni tle yan at iniisip ni pres na siya yun.:P)

May signature pose din yan si pedj. -----> nandun sa external link.

Masipag mag-aral. Kasama ko yan sa pagiging kabado at minsan sa puyatan. Minsan kasi, makainom ng kape eh. Ayan, nagdudusa.

Halata sa mukha niya kapag stressed siya.

Tuwang-tuwa kami sa pangalan niya. Nakakatuwa talaga. Feel nyo? Elale, Ella Lee. Cute no?

Speaking of name, may isa kaming prof, sinabihan ng panget yung name niya. Panget nga ba ang pangalan niya, kayo nang humusga.

Kasundo ko yan sa Playful Kiss eh. Kaso type na type niya yung bidang lalaki dun (sorry, forgot the name, no time to research it) eh ako yung story lang, ang sweet kasi eh.

May panaginip pala yan tungkol sa crush niya na hinihiling niya na sana gawin sa kanya ni F. Kiss yun. JK! Ganito yun, habang naglalakad daw siya mahuhulog daw yung panyo niya, tapos si F daw ang kukuha tapos ibibigay sa kanya.

Describe yourself in one word: SEXY

Ambition: To be a CPA


Motto: The journey to a thousand miles begins wiht a single step.


Define Love: Love is being with Francis. <sabi niya po yan nung una, sabay bawi> Love moves in mysterious ways.


Crushes: <arranged according to feelings, crush to crushest>
Ken Mark Agustin - siya yung crush din ni Pres. Kaya naging crush yan ni Ped dahil matalino. Running ba naman for suma diba, Accountancy, wooohooo, heavy, still, I dont have any picture of him. :)

Paulo Resureccion - elementary pa lang crush niya na yun eh. Pero masasabi ko na pangalawa lang siya at hindi siya yung pinakacrush ni Ped. :). Taga-UST po siya ang alam ko. Namimiss na po yan ni Ped kaya isangguni nyo na yan sa kanya. :) Hindi po ako makakuha ng pictures niya so eto po yung FB site niya. http://www.facebook.com/profile.php?id=100000168907285&sk=wall

Francis de Asis - Sorry Pedj, I need to mention his name. Haha. :)). Bibigayn ko rin siya ng link dito, sasabihin ko basahin niya. :). Crush na crush niya po talaga yan, kaso hindi alam ni Tita. Hihihi. :)). Accountancy student, third year na. :). Siya po ang nagpapagana ng hormones ni Ella. Adrenalin po. :)

P.S: Naghahanap po siya ng gwapong 2nd year accountancy student na magiging crush niya. Yung lagi niyang makikita kaya dapat maayos ang schedule. :). Sa mga mag-aaply, message nyo na lang ako. :)

Pictures (click external link). :). ---------->

Facebook Account: http://www.facebook.com/profile.php?id=100000245637885

Twitter Account: http://twitter.com/#!/pedjshin28 <naka-mention pa ako sa first and last tweet niya>


Cheebading # 9: Charmaine Joy R. Diapolit


Nickname: Jaja, Diapolit, Charmaine
Age: 17
Birthday: November 29, 1993
Asset: Ang kanyang bangs. Hindi ko sure kung hanggang ngayon, meron. Meron pa nga ba?
Liability: I dont know. Maybe you can ask her.

Description:
Jaja for short. Hindi na po namin siya blockmate ngayon dahil nag-shift na po siya ng course. At ang totoo, namimiss na po namin siya. Sobra, antagal na nung huli kaming nagsama-sama. Nung birthday ata ni Rob yun. :). Birthday ni Pres din. :).

Siya yung kauna-unahang nakilala ko sa buong BSA. Silang dalawa ni Rob. :). Katabi ko silang dalawa eh. Nung mga first day, kapag hindi namin kasama si Rob, kaming dalawa ang laging magkasabay sa lunch. Nung mga first week ata yun eh. :)

Hilig niya ang mag-leggings. :). Kadalasan yun ang suot niya eh. :).

Magaling sa Spanish. Sayang nga hindi na niya naabutan yung FOLA namin, baka makakuha siya ng uno doon. :).

May notebook siya na puro quotes. Sipag magsulat eh. (pasingit lang: Salamat po sa gift Tleleleng).

Mahilig siya sa mga kanta ni Lady Gaga. Speaking of kanta:

N.P.: Heaven By Your Side by A1

Kasasabi ko lang na mahilig siya kay Lady Gaga, Pero yan kasi yung napag-isipan naming favorite niya. Mejo mahilig din siya sa A1 eh.

Nga pala, sa aming siyam, ang pinakaclose niya, si Shara. :). Andami nilang napagkukwwentuhan na sila lang ang nakakaalam. :).

HRDM na po ang course niya ngayon, at mejo minsan na lang po kami nagkikita. Hindi din namin alam ang schedule niya. :).Kaya baka hindi ko masagot yung mga Describe chuva chuva. She didn't reply to my message. Eh? Ano raw. :). Pero kung mabasa mo man to, magpost ka sa cheebads na namimiss mo na kami. Hahaha. Demanding te?

I'll just give you some photos of her. :)

Facebook Account: http://www.facebook.com/notee29

Cheebading # 10: Rob Welliam S. Poblete

Nickname: Rob, Robita
Age: 18
Birthday: July 2, 1994
Asset: Eyes daw sabi niya. Pero kayo na ang humusga. :). Gwapo yan. :P
Liability: His life daw. :). I asked him why. He said, obligasyon/utang daw niya ang buhay niya.

Description:
Ang pinakagurang sa grupo. :). Siya yung ung kong pinaka naging kaclose. Katabi ko sila ni Jaja eh. :).

Part po siya ng 3Gs. Kilala nyo na ba sila? Si Tle, Jhem at Rob. Practice po sila ng practice for X-Factor. Suportahan nyo po sila kahit na medyo walang chance, keep on supporting, sa inyo po sila humuhugot ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang kanilang pangarap. :)

Frustrated singer silang tatlo. At pinakamalala na to si Rob, silang dalawa ni Shara, actually. Hihirit pa lang yan, matatawa na kayo sa ganda ng boses. Pambato (stress on the second syllable, tama ba? Meaning: ipambabato <throw>) namin yan.

Speaking of kanta: his favorite song. :)

N.P.: I Can by Regine Velasquez

Lagi niyang kasama sila Jhem at Tle sa boy hunting. :). Kaya siya ang may pinakamaraming crush. Sabi ko sa kanya, isulat niya yung mga crush niya. Aba, umabot ng 9. Yung present lang yun ah, pano pa kaya yung past niya. Tsk.Tsk.

Minsan tamad mag-aral, minsan masipag. Pero ngayon, nagsisipag talaga siya sa Accounting. :). Grabe pa yan kapag naintindihan niya yung topic, tumatama yung sagot niya. :)

Sa totoo lang, siya yung pinaka-understanding sa amin. Sandali lang magtampo yan eh tapos parang walang nangyari. :). Hindi ko ma-explain kung pano talaga siya understanding, sinabi ko na yan kay Rona. :).

He always makes us laugh. Walang araw ata na hindi siya nagpapatawa eh. :).

Gwapo siya. Crush nga siya ng ate ko eh. :). Marami talagang nagsasabi sa kanya na gwapo siya. :). Eh gwapo naman talaga. :)

Taga-Laguna siya kaya may mga natututunan kami sa kanya eh. Tulad nung kire, sa kanya namin nakuha yun eh. :).

Mabait po yan si Rob pero may pinakamabait diba?

Kasama lagi ni Jhem sa kalokohan. :).

Pag nalungkot yan, eh di malungkot siya. bow. nakalimutan ko yung sasabihin ko eh. :).

Vain pala siya. :).

Nga pala, sarcastically speaking, siya ang may pinakamagandang sulat samin. Ang ganda talaga, pang-scrapbook. :).

Minsan nang napagkamalang teacher at tibo. :)

Nagpapasulat pala yan ng nobela sa akin. Yung nakakaiyak, eh hanggang ngayon prologue pa rin ako. Sana maiyak ka! Goodluck na lang!

Aww, wala na akong masabi.

Describe yourself in one word: UNDEFINED


Ambition: To be in heaven


Motto: Forget about the past, don't worry about the future, just enjoy the ride.


Define Love: Love is everywhere.


Crushes: <sa dami niyan, it is arranged in no particular order>
NixonTorres II - ngayon ko lang nakita yung itsura niya. Infairness ang gwapo. Magaling talaga pumili to si Rob. :). Nice.Nice. Pero parang may mali sa mata niya sa DP. Rob! Stage actor ba to? Hindi po ako makakuha ng picture niya, so eto yung site: http://www.facebook.com/mntorres

Josh Ermon Diaz - crush ko rin to eh. Ang cute kasi niya. :). Pero syempre pinaubaya ko na kay Rob. :). Siya naman nauna eh, naki-crush lang ako. :) . Accountancy student. JPIA Officer. Mukha naman siyang mabit eh. Cute talaga niya.

Raymond Porlaje - ahhhh, heto pala si Raymond. K! Child Abuse po sila! First year pa lang yan eh. hahaha. Tsk.Tsk. Ano kayang nagustuhan ni Rob dito? Answer me.

Rommel Aviso - yung crush din ni Pres. Totoo kasi niyan, karamihan sa mga nagiging crush namin, galing kay Rob, nakikicrush lang talaga kami. First year din yan, di ba? Child abuse talaga tong mga to eh.

Darwin Valmeo - eto, first year din. Mala-Khalil naman ang dating. Kami ni Rona nagtanong ng name neto eh. <oops, hindi namin yan crush> Consequence samin yun, kaysa naman sumayaaw kami ng dougie, yan na lang. :). Medyo hawig talaga siya kay Khalil. Feeling ko ngakilala na niya si Rob eh, tinuro ko si Rob sa kanya eh. :) <dakilang tagaturo po ako eh, hindi naman nila magawa sakin, hinihintay ko na nga lang sila na gawin sakin yun eh, yung ituro din ako sa crush ko, malay mo kiligin. :). Isa pa pala, dakilang tagatulak din. :). Eh ayaw nila akong itulak sa crush ko eh kaya sila tinutulak ko, para maudyok sila na itulak ako sa crush ko. ^_~ >

Earl Gio Manuel - ngayon ko lang siya nakita. Eto ba yung sinasabi mong hawig ni Robi Domingo? May pagkahawig nga eh no. :). Yan pala yung name niya ah, eto yung tinatago mo yung pangalan sa amin. Ay hindi! Parang iba pala yun.

Fraz Sta. Ana - Rob! Saan mo to nakilala? Grabe ha. At ano namang nagustuhan mo rito ha? First time ko rin to makita eh. :). Fraz ba siya o Frazdic?

Carlo Tolentino - BSA student siya dati. HRDM na ngayon, classmate niya si Jaja. Ayyiiieee, naalala niya yung tumawag. Nasagot mo ba yun o missed call? Tangkad neto eh. At kilala na niya sa mukha si Rob. Dahil pati mga classmate niya dati inaasar siya.

Argie Panturilla - hindi ko nakita yung mukha niya. Ang waley nung DP eh. Hindi ko pa maview yung photos, balewala rin kung ibibigay ko yung site.

Wooohooo, tapos na rin. Napagod ako dun ah, andami eh. May past pa, gusto nyo bang maglagay ako. Oh sige, isa lang.

Reginald Macariola - crush din ni Jhem. BSA student dati at hindi ko alam kung ano yung ngayon.

Tignan nyo yung mga pictures nung crush niya at syempre si Rob, grabe mas mahaba pa ata yung crushes kaysa description. Click Open External Link

Facebook Account: http://www.facebook.com/profile.php?id=1649091538

Twitter Account: http://twitter.com/#!/robpoblete


Conclusion 


Kung may Introduction, syempre may conclusion. Parts of the letter or thesis. :)

We just celebrated our anniversary. :). So, late na to, pero okay lang at least may ni-present ako sa kanila. Alam ko yung iba gustung-gusto na ako ibuko dahil sa ginawa ko sa kanila. :). Okay lang yun, that's part of growing up. Growing up together. :)

Isang taon ng kulitan, tawanan, asaran, guy hunting, pag-aaral, tampuhan, harutan, kainan at kodakan (makaluma masyado) pero hindi nakakasawa. Ang sarap balik-balikan nung mga moments na yun. Pero as we grow old together, mas dadami pa ang mga memories na yun.

Hinding hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit sino. :). <Babala: Pabaduy na po ito ng pabaduy>

Grabe kasi yung feeling kapag kasama kayo. Alam nyo yun, pag masaya yung isa, masaya lahat. Pag malungkot yung isa, parang namatayan na tayo lahat. Tulong-tulong tayo palagi. Sama-sama sa kahit anong kabalastugan. Hindi naghihiwalay kapag landian. At higit sa lahat, walang absent kapag nangangaso na tayo. :)

Nagpapasalamat pala ako sa nakabunot sa akin. Maraming salamat. :). Yung videos ko ng DC, balak mo pa ba isend? O wala ka pang nada-download? Willing akong maghintay. :)

Marami pang taon ang dadaan. Marami pang gwapong lalaki ang dadaan sa harap natin. <Oops, magaling ako sa temptation, loyal ako eh, stick-to-one> Marami pang problema ang bibigyan natin ng solusyon. Marami pa tayong irereport. Marami pa tayong imememorize na Article. Marami pa tayong Departmental na pagdadaanan. At marami pa tayong problem sa Accounting na sasagutan.

Sabay-sabay tayong gagraduate na BSA ang course ha? Sabay-sabay din tayong kukuha ng board exam at sabay-sabay tayong papasa, sabay-sabay tayong magiging CPA. Tayo yung mag-ta-top sa board exam. :) Sabay-sabay tayong magtatrabaho. Sabay-sabay din tayong mag-asawa. Hahaha.:))

Basta, walang iwanan. Mga leech!. :). Sa dami ng pinagdaanan natin, mabubuwag pa ba tayo? Baka nga mas maging matatag pa tayo eh.

Walang awayan sa lalaki ha. <ehem, Jhem at Tle> Tandaan, 1-0 na ang labanan. In favor of Jhem! Woohhoo, boto ako sa yo. Bleh Kristle. :P.

May Birthday ni Jaja, Birthday ni Shara, Christmas, New Year, Birthday ni Rona, Birthday ko, Birthday ni Pedj,  Birthday ni Tle, Birthday ni Jen, Summer, Birthday ni Jhem, Birthday ni Rob, Birthday ni Pres, Undas at Anniversary pa tayong ise-celebrate. :)

I'm really looking forward sa mga araw, linggo, buwan at taon pa nating pagsasamahan. :) Walang kalimutan ha. :)

I really love you Cheebadings. ♥♥♥. From the bottom of my hypothalamus. :).

Mga leech (leche in our translation) man kayo, mga linta pa rin kayo kung makakapit sa puso ko.  <cheesy!>

Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

We're stupid. We fail. We're weird. We're not perfect. But that's okay. We laugh at the randomest things. We talk a lot. We know each other's ugliest side, not to mention our prettiest. Eventhough we disagree sometimes, we never fight. We shudder in delight when we saw our crushes, who cares, that's normal. We're crazy. And I like it. We like it. And this is for them. Happy Anniversary. ♥



Friday, November 11, 2011

WATTPAD. 11.11.11. Happy Singles' Day

     may account na po ako sa wattpad. pa-fan naman. hahaha. saka pabasa na rin nung mga kwento. hahaha. finally. :)

     So, yun, happy 11.11.11. Happy Singles' Day sa lahat ng single. Gusto ko sana na maging masaya tong araw na to pero it turned out to be simple. pero sabagay hindi pa naman tapos ang araw, may 5 hours pa. baka sakaling bumawi pa dun. so ayun. :). I'm doing all my assignments ngayon. yung mga kailangan isearch lng kc baka maging busy ako ngayong weekend. andami kcng kailangan gawin. grabe. lalo na ung FOLA at LAW. wooohooo. sumasaki na ung ulo ko sa dalwang subject na yan khit ndi pa nagsisimula ng lesson. pero ACCO talaga yung kailangan kong pagtuunan ng pansin. so ayun. dito nlng muna. enjoy your 11.11.11. it only comes every century. at hindi kn buhay next century no. next time. tuturuan ko kayo ng basic spanish. <kayo tlaga? cnu bang kausap ko?>

     adios. hasta la vista. :).

     <bow>

Tuesday, November 8, 2011

haha

     I really dont know kung anong isusulat ko rito. hahaha. hindi ko kc alam bigla ko nlng naisip magsulat. kating-kati na kaya yung kamay ko sa pagsulat nung love story na ilalagay ko sa wattpad. wattpad, site cia, andaming stories dun, pede kang magbasa. so yun. naisip ko na khit dun nlng ako maging writer. kahit ndi na masyadong sikat na writer. magiging CPA naman ako eh, <i like that> nasabi ko rin dati na ipopost ko rito yung mga nobela ko. well, tutuparin ko yun. promise. hahaha. meron na nga ako db? kaso hanggang chapter 1 at 2 nlng cia. you know naman, i'm busy. VERY BUSY! kailangan ko kcng ma-maintain ung aking grade. may dos policy po kami. ayoko nga mag-SQE. nasabi ko na yun sa previous post ko.

     hmmm.may sasabihin sana ako kaso nakalimutan ko. nacurious kc ako dun sa doktor ni Michael Jackson <sumalangit nawa> guilty cia eh. hahaha. so yun. next time na lang uli.

      nga pala, mejo madami na pla akong nailalagay dito. at isang taon na ko rito. pero prang ang onti ng 31 posts para sa isang taon. hehehe. like I said, BUSY! so ayun. i keep this blog naman as updated as possible eh. so yun. marami naman ata akong posts, kaso mga drafts. hehe. drafts nung mga nobela ko. hihihi.

     yun! naalala ko na yung sasabihin ko. tungkol yun sa nobelang isusulat ko. bale baka sa xmas vacation ko cia maipost. hihi. so sa makakabasa neto. <kung meron man> basahin nio yung novel ah. kahit super walang kwenta. JK!. syempre, I'll do my best to write the sweetest, funniest, at kung ano mang positive -est yan na novel. yun. hihi. see you next time. <*kindat>

     46 days to Christmas. :). ♥

     <bow>

Friday, October 14, 2011

a loving father

     Sa mga napapanood ko sa tv, nababasa sa novel, halos lahat doon close sila sa kanilang mga ama. Tuwang-tuwa ako sa bonding at relationship na meron sila. Hindi naman sa naiinggit ako pero ang cute lang tignan na sobrang nagmamalasakit sila sayo. Yun bang sobrang close mo yung tatay mo na parang bestfriend na ang turing mo.

     Napagtanto ko ngayong araw, na kahit hindi pala kami maging sobrang close ng tatay ko, nararamdaman ko ang pagmamahal niya.He is willing to give anything to his children. Kung merong maibibigay, sige bigay. Kung wala, pasensya, next time na lang. Ganun ang tatay ko. He loves us pero hindi lang siya ganun ka showy, kapag pinagmasdan, inintindi at iisipin mong mabuti, makikita mong mahal talaga niya kami. In his own little way, ginagawa niya ang lahat para sa amin.

     Gaya na lang ng nangyari ngayong araw. Well, actually i texted him yesterday. Sabi ko na pupunta yung mga classmate ko sa bahay at doon kami kakain. He asked why. Sabi ko, na manlilibre nga sana ako, kaso suggestion nila na kumain na lang sa bahay. So sabi ko bumili na lang siya ng kahit anong ulam. Kahit na siyam kaming kakain at alam kong wala siyang ganung sapat na pera, he still bought us food.

     Tapos kanina, nung mga nandito pa ako sa bahay, nagtext siya na hindi pa raw dumadating yung kasama niya, so he texted my mother. Sabi niya, abunohan daw muna ni Mama kasi nangako raw siya sa akin. And that time, natouch talaga ako. Kasi kahit walang formal na nangako siya, pinanindigan pa rin niya na lulutuan niya kami. Pero biglang nagtext uli, na dumating na raw yung kasama niya so makakauwi na siya.

     Tapos, nasa bahay na kaming siyam. Natatouch pa rin ako na nagluluto siya. Lalo na nung inabot niya ung 100 pesos (120 kasi yun, kinuha niya sa bulsa so i assumed na yun na lang yung pera niya) para pambili namin ng softdrinks. Tapos kanina habang nagpipicturan kami, yung ngiti niya na sabi ko nga sa kanya parang isip batang ngiti, natuwa talaga ako dun, kasi ewan, masaya ako na nakita ko siayang nakangiti. Kaya sabi ko nung bago kami umalis, babalik ng school, Thank you, thank you talaga.

     Tapos kanina uli, mga gabi na yun, galit siya kasi gustong lumabas ni ate, pupunta sa kaibigan niya. Ayaw pumayag ni tatay, tapos nung pumunta si tatay ng banyo, doon na tumakas si ate. Tapos nung paglabas ni tatay sa banyo, sabi sa kanya ni mama na tumakas na nga daw si ate. Tinignan ko talaga yung mukha ni tatay nun, alammo yung mukhang malungkot na naiinis. Nalungkot nga ako nung time na yun, kasi feeling ko ansama ni ate kay tatay pero ang bait-bait ni tatay. Parang nakita ko yung lungkot sa mata niya dahil sinuway siya ng anak niya.

     Tapos kanina, sale kasi sa mall, tapos pinakita sa balita, narinig ko sabi niya, kung may pera lang tayo, punta sana tayo diyan. And then naramdaman ko yung awa. Naaawa ako sa kanya kasi feeling ko gusto niya kaming dalhin dun at bilhan ng mga damit kaso wala ngang pera. Nalulungkot talaga ako.

     Pero yung kwentuhan at tawanan namin kanina ng tatay ko, masaya na ako. Kasi kahit papano, napatawa ko siya sa kabila ng mga ginawa niya sa akin ngayong araw. Alam kong hindi sapat yung pagpapangiti o pagpapatawa ko sa kanya, pero pinapangako ko, babawi ako sa kanya, kapag nagkaroon naako ng sapat na trabaho. Pasasayahin ka talag siya ng todo-todo. Silang dalawa ni Mama.

     Ang drama ko, hahaha, natutawa lang talaga ako sa tatay ko ngayon. I really love him. silang dalawa ni mama. Thankful ako kay Lord na sila ang naging mga magulang ko. Kahit magkaroon man ng problema sa amin, hinding hindi ko sila ipagpapalit sa ibang magulang. Si Mama din natouch talaga ako sa kanya ngayon. pero mas grabe kasi yung sa tatay ko.

     Naalala ko, sabi ko kasi kay mama kanina, wala pa akong sapatos para sa debut ng classmate ko sa monday. Tapos biglang sabi ng tatay ko, 'ano bang gusto mong sapatos?'. Tapos sinagot ko siya, 'gagawa mo akong sapatos?'. Tapos pabiro niyang sabi, kukuha tayo diyan sa mga tambak natin diyan. Yung mga rubbershoes'. Sabi ko, 'debut yung pupuntahan ko tapos magrarubber shoes ako?' Sabi nilang dalawa, pero hindi naman sabay. ' Ayaw mo nun, mag-i-stand-out ka sa kanila'. Nagtawanan na lang kami.

    Iyon lang, binuhos kolang ang damdamin ko. :)). Manonood pa akong Detective Conan eh. :)


    <bow>

Wednesday, October 12, 2011

aw.

     ang saklap sa isang tao kapag sobra niyang pinaghirapan ang isang bagay, tpos mababalewala lang sa isang pagkakamali. OKAY, let's be direct. it's my classmate. naglilista kc ung prof nmin nung mga nahuhuli niyang nandadaya. so ung taong yun. magaling siya sa isang subject. MAJOR subject. tpos sa ibang subject, nangongopya nlng cia. magaling ung strategy nia. but sometimes things come to their end. so knina mejo nahalata siya. at feeling niya nailista cia eh sa totoo nman, ndi nga kmi kilala ni ma'am, how come malalaman niya ang mga pangalan nmin. ang hindi niya alam, ang siguradong masisingko, ung friend niya, ay, ewan. pero i'm hoping na hindi talaga magbibigay ng singko ung prof.

     kung ako ang magbabasa nito, hindi ko maiintidihan ang mga sinabi ko. hahaha. gusto ko lang ilabas ung mga nasa utak ko. hahaha. ang gulo ko.

     sa totoo lang, kinakabahan lang ako kasi nakatingin sa side namin ung prof knina, kaya baka nasama ako sa listahan. pero may mga haka-haka kcng ndi talaga ung prof nmin ung naglilista. kundi iisang tao lng sa room. ung president nmin. who is my friend. pero sana, isaalang-alang niya ang pagkakaibigan namin. hahaha. adik., choks.

     <bow>

Tuesday, October 11, 2011

happy birthday.

     Birthday pala niya nung October 6, nakalimutan kong batiin. :).

     HAPPY BIRTHDAY PCL. :)

God is Good

     Ang bait talaga ni Lord. He gave me a chance. A chance na dapat ay mas ibigay ko pa yung best ko next sem. Although I gave what I thought was the best, parang hindi pa pla. Muntikan na ako dun sa mga delikado. The truth is ayoko talagang mag-SQE (Special Qualifying Exam for accountancy students having a grade of 2.25 below on major subjects like Accounting, IT, Law, English and Math). At ang pinakakinatatakutan ko lang ay ang magSQE sa accounting. Mahirap daw ang SQE ngayong 2nd year eh. kaya natatakot talaga akong kumuha ng exam na yun. Kaya kanina, muntik na tlaga ako, buti nlng nandyan si Lord, tinulungan niya ako sa buong first sem ko sa 2nd year at alam ko, hindi ako makakakuha ng dos kung hindi dahil sa kanya. I'm very thankful talaga. At alam ko, hindi pa dito natatapos ang journey naming dalawa, ang pagtutulungan namin, may next semester pa, at alam ko, lagi lang Siyang nasa tabi ko para umalalay at tulungan ako sa mga pagsubok na haharapin ko.

     All is well. :)

     I love you, Lord!. ♥♥♥

    <bow>

Thursday, October 6, 2011

done with the finals

the last time i wrote here, it was before midterm examination, now i'm writing again, 'coz tapos na ang finals namin sa accounting. alam mo yung sobrang relief na parang wala nang problema sa mundo kahit ang dami-dami pa. hahaha. :)).

parang gusto ko, etong blog ko, isusulat ko ung mga stories na naiisip ko, that would be the main purpose of this blog, tpos ung mga emotions at feelings ko ilalagay ko nlng kapag gusto ko talaga siyang ilabas. naisip ko, ipopost ko ung mga kwento ko, pero chapter by chapter, kundi part by part. hahaha. sana lng magawa ko. hahahaha.

hahaha. ndi pa namin sembreak, pero pipilitin ko tlaga makapagpost kahit everyday or every other day, makapagpost lng.hahahah. gege. :))

<bow>

Tuesday, August 2, 2011

midterms

departmental na nmin sa wednesday at kailangan ko nang mag-aral. hindi muna ako makakapagpost. hahahaha...ciempre, study first. hahahaha....:)). goodluck nlng sa akin. marami pa akong dapat aralin eh. :))

<bow>

Saturday, July 30, 2011

hahahaha.

ktnxbye

wooo... na-retrieve ko na rin tong blog ko. after so many months. bumukas din. ayaw kcng bumukas ng site na to kaya ndi ko mabuksan. and tinry ko lng uli. and poof...it became coco crunch. hahaha...well bibilisan ko lng to  'coz i really need to study on receivables. i need to study harder. pra na rin maging CPA in the near future. so ayun. napadaan lng ako.

ktnxbye. :)

<bow>

Thursday, April 21, 2011

it's maundy thursday.

ngayon may alam na rin ako kahit kaunti. alam ko na. ngayon lng tlaga dpat natatapos ang pabasa. 3 pm. at bukas mamamatay si Kristo.

ayun. kahit papano. nakapagparticipate ako sa pabasa. tpos nandun ako sa pagsasara. kaya masaya ako khit mejo nakokonsensiya akong kumain knina dhil ndi ako nakapagbasa ng umaga. pero overall nag-enjoy ako!.haha

hindi ko lng alam kung manonood ako ng senakulo mamaya. baka hindi, kc ndi pa nman masyadong excitiing yun eh. bahala na! sayang nga din pla kc ndi ako nakanood ng penitensya. ok lng din.

kayo?kumusta na kayo?

<bow>

Wednesday, April 20, 2011

it's holy week

my first entry on April.

it's holy week. today is holy wednesday. akalain mo kanina. may pasok pa dapat kami. buti na lng halfday ang PUP!. napakabait kc ng prof ko eh. well, ndi pa ako umaalis ng bahay pero nakapagprepare na ako ng sarili ko. pero oks lng din, may napuntahan nman ang pag-aayos ko eh. we went to my father's friend.

ngayong wednesday, nagsimula ang pabasa dito sa amin. at maya-maya, magsisimula na rin ang senakulo dito sa amin. the 'pabasa' is supposed to start at 3 in the afternoon, hindi ko lang alam kung anong naging problema at late na nagstart. pero maganda naman na nasimulan na. the truth is, naririnig ko sila mula rito sa bahay. well, gusto kong sumali, hindi ko pa alam kung kailan pero i'll try my very best na makabasa.

maundy thursday - second day of pabasa. second night of senakulo. simula na rin ata ito ng mga nagpepenitensya at siete palabra. or sa friday ata yung siete palabra. hindi kc ako masyadong lumalabas ng bahay eh. mahiyain ako!. ng kaunti.

good friday and black saturday - hindi ko alam kung saan araw namatay si Kristo. my classmates said. it was maundy thursday.kc after 3 days nabuhay Siyang muli. nakakahaiya na hindi ko alam kung kailan siya nmatay. I'm sorry. black saturday - end ng senukalo. Yung pabasa hindi ko alam, basta once na matapos ung buong libro na binabasa, tpos na and it's unpredictable sa sitwasyon ngayon.

easter sunday - linggo ng pagkabuhay - we usually go to 'salubong' and attend the mass after. tapos, may bigayan pa yan ng itlog. ayun. pagkauwi, baka matulog and that's the end of our holy week. back to normal again!.

kayo?kumusta naman ang holy week nyo?

<bow>

Monday, March 21, 2011

Tamang Banat. :)). ♥♥♥

 HABANG NAGHIHINTAY NG MGA GRADES...NANGOLEKTA NA LANG AKO NG MGA MATINDING BANAT.. :))

Bf: ayoko ng suot mo , Sobrang iksi !
Gf: ok. Sorry
Bf: sunod mahabang mahaba na isuot mo ha ??
Gf: wow madre?
Bf: tas magsuot ka ng belo.
...Gf: d na nakakatuwa.
Bf: Tapos susuotan na kita ng singsing..

Gf: :">

---------------------------------------------------------------------------------------------------

BATA:
(nagdadasal)
"Lord, si Jose Rizal nalang sana
...pumatay kay Magellan. Amen."
...
(nadinig ng tatay)
Tatay: Bakit naman anak?

Anak: Yun po kasi sagot ko sa test ee.

-----------------------------------------------------------------------------

Girl: Goodbye.
Boy: Why?
Girl: I saw someone better.
...Boy: I saw someone too.
But I closed my eyes, just to stay with you...


----------------------------------------------------------------------------------------------------

Girl: miss mu na ba ako?
Boy: ngaun miss pa lng, sa su2nod misis na kta :D

-----------------------------------------------------------------------------

WALA NAMAN TALAGANG PANGET SA MUNDO,EWAN KO BA SAYO KUNG BAKIT PINATUNAYAN MONG MERON!:D

------------------------------------------------------------------------

San lugar mo gusto pumunta?
Africa
Poland
United kingdom
...Saudi arabia
Oman
Kuwait
Oakland?

kung wLa kang napili pwde ka nman dun sa unahan ng mga letra basahin mo pababa bka mas msaya dun :D try mo...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

QUESTION:
Bakit binaril ng bobo ang girlfriend niya?
ANSWER:
...Kasi sinubukan niya kung totoong ang kasabihan na…

“FIRST LOVE NEVER DIES”

------------------------------------------------------------------------------------


sabi ng hangin mabait ka
sabi ng dagat matalino ka
sabi ng ilog at bundok cute ka
tama nga talaga ang sabe nila
...
sirang sira na talaga ang kalikasan!!!
---------------------------------------------------------------------

PASYENTE: doc, gbi2 panaginip ko basketbol, di ako maka2log ng maayos.
DOC: masama yan! 2 gmot inumin mo cmula mmyang gbi.
PASYENTE: pwede po bukas na?
......
DOC: bakit?
PASYENTE: championship na mamaya.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kapag may nakita kang nagbabait-baitan at nagfefeeling na maganda sya, Eto lang sabihin mo:
so, tao ka na niyan?
Kapag may nagtataray naman sayo, eto sabihin mo:
......
Antaray mo teh, nagtatae ka?


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

boy: crush kita!
girl: crush din kya kita! dti pa! buti umamin ka na!
boy: may gusto akong sabihin sau....3 words!
girl: (kinilig,nag expect ng 'i lab u') aw! ano un?!
boy: joke! joke! joke!
......girl: ako rin,merong 3 words para sau!
boy: ano un?
-
-
-
-
girl: t*ng ina mo!
boy: ....
[LESSON: WAG KNA MAGJOKE, PARA DKA MAMURA ] HAHA!!!


---------------------------------------------------------------------------------------------------

BOY: Knock! Knock!
GIRL: Who's there?
BOY: "Puso mo"
GIRL: "Puso mo" who?...
(sings) your my monalisa, your my rainbow skies, and my only prayer is that you realize.. you'll always be beautiful in my eyes. :">..
......GIRL: oh? nasan ung "puso mo"..
BOY: DI BA nasa'yo.. :">


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Your the apple of my eye
Mango of my pie
Palaman of my tinapay
Keso of my monay
Teeth of my suklay
...Fingers of my kamay
Blood in my atay
Bubbles of my laway
Sala of my bahay
Seeds of my palay
Clothes in my ukay-ukay
Calcium in my kalansay
Calamansi in my siomai
Vitamins in my gulay
Tungkod when im pilay
Shoulders when i cry
Cure to my aray
In short.
YOU ARE MY LOVE HABANG BÜHAY!!


--------------------------------------------------------------------------------------------------------

DALAGA: Excuse me, pogi.. Meron kang kamukha.
BINATA: Sino?
...
DALAGA: Yung susunod kong BF.
...BINATA: Sorry, hindi pwede yan!
...DALAGA: Bakit?
BINATA: May BF na kasi ako. At para sa kaalam mo, hindi ako TOMBOY! :))


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MAG KA TEXTMATE
...BOY:HELLO
GIRL:HELLO
......BOY:MUSTA
GIRL:MUSTA
BOY:INAASAR MO BA AKO
GIRL:INAASAR MO BA AKO
BOY:NAKO!
GIRL:NAKO!
BOY:I LOVE YOU!
GIRL:ANU GAWA MU?


------------------------------------------------------------

EKSENA SA CANTEEN
Friend1: Samahan mo ko sa canteen.
Friend2: Ayoko, Tatapusin ko pa homework sa Science, Di ko natapos sa bahay e.
Friend1: Libre kita!
......Friend2: Sige, tara!


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang araw meron nagtanong sa akin:
Bakit kelangan pang mag bf/gf kung magbebreak din nman?
Bakit kelangan pang magsama kau ng matagal kung maghihiwalay din nman kalaunan?
At bakit kelangan pang mag-mahal kung masa2ktan din nman.
......Nainis ako! andami kcng tinatanong kaya sabi ko sa knya.
"Eh ikaw, bakit ka pa humihinga kung mamatay ka din nman?


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang boy at girl ang nasa park..
tumawa si girl, nakita ni boy na may malunggay ito sa ngipin..
...Boy: hulaan ko ulam mo kanina..
Girl: sige nga!
Boy: malunggay..
......Girl: mali! kahapon pa kaya yun..  YUCK! :D

--------------------------------------------------------------------------

God is the best Listener
you don't need to shout
Nor cry out loud becoz
He hears even d very
silent Prayer of a sincere heart ;-)


--------------------------------------------------------

mahirap magpanggap na masaya ka.
lalo na sa sitwasyong..
.
.
.
Taeng Tae ka na!


------------------------------------------------------------------------

1 araw,
may bumatok
sakin sabay sabi
"matauhan ka nga!
........."di kita mahal!
"di kta minahal!
at
"di kta mamahalin!
langya!
sinapak ko nga!
-
-

di ko naman kilala un eh!

Tuesday, March 15, 2011

bakasyon na.................

     well, hindi siya summer vacation dahil may summer class po kami. bakasyon lang ng mga two weeks. pahinga muna sa maraming reports, quizzes at final exams. matulog, kumain, manood, magcomputer, magsulat ng nobela. yan lang ang gagawin ko, at least hindi ako mahihirapan sa pagmememorize ng mga marketing terms at kung anu-ano pa.

     dire-diretso na sana, kaso may SQE(Special Qualifying Examinations)...para maintindihan nyo. un ung exam para sa mga students na nakakuha ng 2.25 - 3.0 sa grade sa Accounting, English at Math. ang mahirap pa, kailangan mataas ang makuha mo sa exam na yun kasi, kahit na nakapasa tapos ang kukunin lang nila kunwari sa 1000 na nakapasa ay 700...ayun lang...ung highest 700 lng ang magpapatuloy sa 2nd year. kaya ang panalangin ko, hanggang ngayon, ay yung makakuha ng 2.0 sa accounting ngayong second sem, yun lang talaga., haaaaaaaaayyyyy.... kung sakali namang mag-SQE ako, sana maipasa ko, at makapagpatuloy sa 2nd year...gusto kong pumasa, gusto kong makatapos ng Accountancy.

     pero sa ngayon, pahinga muna ako, nakakapagod kasi mag-aral nang mag-aral. kaya, siguro may panahon na ako sa pagbablog. :)).

<bow>

Saturday, March 12, 2011

happy birthday. :)






PARA SA AKIN YAN...HAHAHA...AT SA LAHAT NG NAGBIRTHDAY AT MAGBEBERTDAY PA. ♥♥♥

Monday, February 21, 2011

alam kong kaya ko ito...:)

     kailangan kong matapos lahat ng reactions ng Filipino ko this monday. walang palugit. dahil kung hindi, may parusa iyon. nag-usap kami ni Lord kahapon at kailangan ko talagang matapos ito. kahit halos namamanhid na iyong dulo ng daliri ko, kakayanin ko ito. meron naman akong guidance ni Lord. wish me luck. kaya ko  talaga ito. :)...woooohhoooo....grabe nagawa ko pang gumawa ng ganito...cge...byebye na. :)...saka na ako magkukwento sa nangyari nung sunday. well, hindi siya ganoon kasaya kaya baka hindi rina ko magkwnto...:(..byebye na talaga...^_^

<bow>

Wednesday, February 16, 2011

February 16, 2011; 12:30 am

    
     This was supposed to be an entry on February 13 but I didn't have time kaya ngayon ko lang naisulat...:)

     Nasa labas na ako nang makita ko siiya. Halos nasa labas na rin siya ng simbahan tila naghahanap pero nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatingin sa kanya. Still, hindi niya ako nakita.

     Ginawa ko ang dapat kong gawin (it's my original business, no relation about love) at nang matapos, I decided not to go home instead I went back to that church, stood at the main entrance, very far from him. Ipinagkasya ko ang sarili ko sa pagtingin sa kanya. At nang matapos, ginusto kong makita niya ako. Pero mali ata 'yung ginawa ko, pumwesto ako sa dulung-dulo (left side), lumuhod at nagdasal na sana pansinin niya ako (ang lakas pa ng kabog ng puso ko, kasabay ang mabilis nitong pagtibok at panginginig ng kamay ko. Feeling ko nga buong sistema ko, nanginginig na). That was the first time that I prayed/wished to God na mapansin (makilala) ako ng crush ko (is it necessary to say 'mahal ko'?). Pero pagdilat ko, pagtayo ko, malayo na siya sa akin. May ibig sabihin ba 'yun?

      Paglabas ko, hindi ko pa naisipang umuwi. Nagpunta pa ako sa isang convenience store. Naisip ko, pampatagal, baka abutan ko pa siyang lumabas. Nang makalabas ako, nag-abang ako ng masasakyan sa lugar na posible niyang paglabasan. Sa totoo lang, naisip ko, what's my main goal? Bakit ko ginagawa 'yun?Ang sagot ko? Para makita niya ako, mapansin. Selfish ba 'yun? What if ako pala 'yung hinahanap niya kanina? At least kung makikita niya ako, kuntento na siya (kung ako nga 'yung hinahanap ng mata niya). Sa tingin ko, hindi naman selfish 'yun. Dalawang linggo na kasi eh, 'yung parang walang tinginan. Nalulungkot naman akong isipin na wala na. I waited there for about fifteen minutes pero walang lumalabas. Naalala ko pa ang sarili ko na nagsabi na, 'kapag 8:10, uuwi na ako.'

      Disappointed akong sumakay ng jeep. Pero nung palayo na 'yung jeep parang (PARANG!) nakita ko siya. Bakit kapag malayo ko lang siyang nakikita? Ayokong bigyan ng meaning 'yun. Habang nasa jeep ako, I looked for the positive side (na nakita ko siya!) para naman maganda 'yung bisperas ng ♥'s day ko!

<bow>

Friday, February 11, 2011

February 11, 2011; 4:16 pm

, yan ung date sa mismong notebook ko. it's a diary or journal entry. bahala na kung anong itatawag nio. :) gusto ko lng siyang ipost dto sa blog. khit nakasulat cia sa ntbk ko. :)

     Natuwa ako sa classmates ko na nagsusulat ng diary. Isipin mong lalaki sila tapos nagsusulat sila. Ngayon lang ako nakakit nun (well, ung kakilala ko nman. syempre may mga lalaki din nman writer, si Bob Ong). Sa totoo lang hindi ako marunong sa mga tulad nito na paggawa ng diary (or let's say na journal entry). Ang gusto ko, gumawa ng story, nobela, love story o romance novel.

     N.P: Firework by Katy Perry

     Sa edad kong ito (I'm 16, turning 17 on March), NBSB ako! Oo! Inaamin ko, NBSB ako! No Boyfriend Since Birth. Wala pa ring first kiss pero wala akong pakialam dun. Ang naiisip ko, ano kaya 'yung feeling ng kapag hinalikan ka ng mahal mo or let's say one true love, mararamdaman mo 'yung fireworks. Pero totoo bang may ganun? O hanggang pelikula o nobela lang talaga 'yun. (well, cguro mas gugustuhin ko nang character ako ng nobela, para may possibility for Happy ending!)

    Kung may first kiss, may first love. Ang taong tulad ko, hindi ko alam kung nakaranas na ba ng first love. Ako pa naman ang taong maraming crush.

     Noong grade three ako, may umaming nagkacrush sa akin. (Ang bata pa noh?). Hindi, ang totoo niyan, nalaman ko lang 'yun sa iba tapos hindi nman niya tinanggi. Lagi kasi kaming magkasabay pag-uwi. Pero nung nalaman ko 'yun, nailang ako sa kanya.

     Kaya siguro wala nang nagkacrush sa akin {Wahahahah!!!!NAPAKA-ASSUMING!!!!} o kaya hindi ko pa nararanasan ang love dahil alam ng Diyos na maiilang lang ako kapag may nagkacrush sa akin. {ASSUMING talaga AKO!!!FEELER!!!!}...

     Pero alam mo kung ano talaga yung gusto ko? 'Yung lalaking magtatapat sa akin at tatanggapin kung ano ang imperfections ko. 'Yun bang patuloy pa ring lalapit kahit alam niyang naiilang ako. 'Yun bang nandyan siya para sa akin at sisikapin niyang alisin 'yung ilang na nararamdaman ko (kahit nahihirapan na siya). PERO...That's big...Masyadong perpekto ang hinihingi ko, kaya nga siguro wala talaga! NBSB na talaga!!!

     NBSB nga ako pero ako ang taong maraming crush. (Hopeless Romantic ba ang tawag dun???) Pero kapag ako may crush, sikreto lang. Close friends lang ang makakaalam. Ayoko nung malalaman nung crush ko kasi feeling ko hindi ko na siya makikita dahil magtatago siya para hindi ko siya makita.

     Noong Grade 6 ako, I have a crush. Bestfriend siya ng ng classmate ko (first time classmate ko nung grade 6). Pero sabi nung classmate ko na crush din daw ako nung crush ko. Nung una, naniwala ako (ang KAPAL KO noh?), masaya pero naalis na 'yung crush ko sa kanya dahil lagi siyang nasa 2nd floor, nandun kasi 'yung may crush sa kanya. (Lahat ata ng may crush dun, crush din niya eh. WAHA!)

     2nd year, nagkacrush ako. He's my longest crush. Hindi ko nga alam kung crush lang talaga 'yun kasi mula 'yun 2nd year hanggang ngayon. (sabi kasi nila na kapag lumagpas ng 5 months ang pagiging crush mo dun sa tao, ndi na daw crush yun. ibang level na). 'Yung ngayon, (kahit hindi ko na siya nakikita at malayo ako sa kanya), nasasabi kong may crush pa rin ako sa kanya, dahil gusto kong updated ako sa kanya kahit facebook lang.

     Third year, 3 crush kasama na 'yung long-time crush. Fourth year, apat kasama uli siya. (May masama ba sa crush? Baka iniisip mo na ang landi ko na, paghanga lang 'yan, wala nang iba. PROMISE!)

     Ngayon (college), dalawa...tatlo pala: si longt-time, si Cory (Monteith) look-alike at yung isa, (hindi ko siya kilala...nakikita ko lagi sa simbahan) medyo nawawala na, (siya ung tinutukoy ko sa last blog ko)...at ung Cory (Monteith) look-alike, dati ko lang siyang crush, o pati hanggang ngayon...EWAN!!!

     Hanggang dito na lang muna siguro. May next time pa naman!

PS: Ung mga nakaclose sa parenthesis, siningit ko lang yan habang nagtatype. ung nakaclose in bracket, sa notebook ko, nakaclose un in parenthesis. :))

<bow>

Sunday, February 6, 2011

...♥ broken

....haaaaaaaaaayyyyyy...TAMA...feeling ko biyak ang puso ko

 iba yung nangyari kanina...parang dati...lagi niya akong tinitignan, ngumingiti habang nakikipag-usap sa iba habang nakatingin sa akin...lumalapit...pero never niya akong kinausap o kahit hi o hello...wala...pero ramdam ko may koneksyong nangyayari,,,

PERO anong nangyari kanina,,,hindi lang ba niya ako nakita o sinadya niyang iwasan ako???? hinintay kong makita niya ako o tignan man lang...kahit wala na ung ngiti, tignan lang niya ako. wala na nga ba yung koneksyong iniisip ko o wala talaga....na all this time, nag-iilusyon lang ako...na hindi totoo yung mga incidents na nagkikita kami nang hindi inaasahan...siguro nga ako lang ang may ganitong nadarama...ni hindi ko nga alam ang pangalan niya...

ano nang gagawin ko???iiwas na lang ba ako o ipagpapatuloy ko itong kabaliwan ko???haaaaaaaaaaaaaayyyyyy.....

<bow>

Saturday, January 22, 2011

english speech...:)


Shirley Chisholm Speech
Equal Rights For Women

Equal Rights For Women Famous Speech by Shirley Chisholm
Address To The United States House Of Representatives, Washington, DC: May 21, 1969
Mr. Speaker, when a young woman graduates from college and starts looking for a job, she is likely to have a frustrating and even demeaning experience ahead of her. If she walks into an office for an interview, the first question she will be asked is, "Do you type?''

There is a calculated system of prejudice that lies unspoken behind that question. Why is it acceptable for women to be secretaries, librarians, and teachers, but totally unacceptable for them to be managers, administrators, doctors, lawyers, and Members of Congress.

The unspoken assumption is that women are different. They do not have executive ability orderly minds, stability, leadership skills, and they are too emotional.

It has been observed before, that society for a long time, discriminated against another minority, the blacks, on the same basis - that they were different and inferior. The happy little homemaker and the contented "old darkey" on the plantation were both produced by prejudice.

As a black person, I am no stranger to race prejudice. But the truth is that in the political world I have been far oftener discriminated against because I am a woman than because I am black.

Prejudice against blacks is becoming unacceptable although it will take years to eliminate it. But it is doomed because, slowly, white America is beginning to admit that it exists. Prejudice against women is still acceptable. There is very little understanding yet of the immorality involved in double pay scales and the classification of most of the better jobs as "for men only."

More than half of the population of the United States is female. But women occupy only 2 percent of the managerial positions. They have not even reached the level of tokenism yet No women sit on the AFL-CIO council or Supreme Court There have been only two women who have held Cabinet rank, and at present there are none. Only two women now hold ambassadorial rank in the diplomatic corps. In Congress, we are down to one Senator and 10 Representatives.

Considering that there are about 3 1/2 million more women in the United States than men, this situation is outrageous.

It is true that part of the problem has been that women have not been aggressive in demanding their rights. This was also true of the black population for many years. They submitted to oppression and even cooperated with it. Women have done the same thing. But now there is an awareness of this situation particularly among the younger segment of the population.

As in the field of equal rights for blacks, Spanish-Americans, the Indians, and other groups, laws will not change such deep-seated problems overnight But they can be used to provide protection for those who are most abused, and to begin the process of evolutionary change by compelling the insensitive majority to reexamine it's unconscious attitudes.

It is for this reason that I wish to introduce today a proposal that has been before every Congress for the last 40 years and that sooner or later must become part of the basic law of the land -- the equal rights amendment.

Let me note and try to refute two of the commonest arguments that are offered against this amendment. One is that women are already protected under the law and do not need legislation. Existing laws are not adequate to secure equal rights for women. Sufficient proof of this is the concentration of women in lower paying, menial, unrewarding jobs and their incredible scarcity in the upper level jobs. If women are already equal, why is it such an event whenever one happens to be elected to Congress?

It is obvious that discrimination exists. Women do not have the opportunities that men do. And women that do not conform to the system, who try to break with the accepted patterns, are stigmatized as ''odd'' and "unfeminine." The fact is that a woman who aspires to be chairman of the board, or a Member of the House, does so for exactly the same reasons as any man. Basically, these are that she thinks she can do the job and she wants to try.

A second argument often heard against the equal rights amendment is that is would eliminate legislation that many States and the Federal Government have enacted giving special protection to women and that it would throw the marriage and divorce laws into chaos.

As for the marriage laws, they are due for a sweeping reform, and an excellent beginning would be to wipe the existing ones off the books. Regarding special protection for working women, I cannot understand why it should be needed. Women need no protection that men do not need. What we need are laws to protect working people, to guarantee them fair pay, safe working conditions, protection against sickness and layoffs, and provision for dignified, comfortable retirement. Men and women need these things equally. That one sex needs protection more than the other is a male supremacist myth as ridiculous and unworthy of respect as the white supremacist myths that society is trying to cure itself of at this time. 


  • yan ang speech ko sa english...sa oral examination...haaayyy...sana makabisado ko 'yan...maganda yan eh...:)..

i'm super back again...:)

HI!!!!

I'm back...matagal-tagal din akong hindi nakapagblog...nawala na sa isip ko...muntik ko na ngang ndi mabuksan eh...

pero...ang mahalaga..nagbalik ako...bwahahahaha...:))...abangan nlng ang mga blogs na susunod..:)..^_^

<bow>