Wednesday, February 16, 2011
February 16, 2011; 12:30 am
This was supposed to be an entry on February 13 but I didn't have time kaya ngayon ko lang naisulat...:)
Nasa labas na ako nang makita ko siiya. Halos nasa labas na rin siya ng simbahan tila naghahanap pero nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatingin sa kanya. Still, hindi niya ako nakita.
Ginawa ko ang dapat kong gawin (it's my original business, no relation about love) at nang matapos, I decided not to go home instead I went back to that church, stood at the main entrance, very far from him. Ipinagkasya ko ang sarili ko sa pagtingin sa kanya. At nang matapos, ginusto kong makita niya ako. Pero mali ata 'yung ginawa ko, pumwesto ako sa dulung-dulo (left side), lumuhod at nagdasal na sana pansinin niya ako (ang lakas pa ng kabog ng puso ko, kasabay ang mabilis nitong pagtibok at panginginig ng kamay ko. Feeling ko nga buong sistema ko, nanginginig na). That was the first time that I prayed/wished to God na mapansin (makilala) ako ng crush ko (is it necessary to say 'mahal ko'?). Pero pagdilat ko, pagtayo ko, malayo na siya sa akin. May ibig sabihin ba 'yun?
Paglabas ko, hindi ko pa naisipang umuwi. Nagpunta pa ako sa isang convenience store. Naisip ko, pampatagal, baka abutan ko pa siyang lumabas. Nang makalabas ako, nag-abang ako ng masasakyan sa lugar na posible niyang paglabasan. Sa totoo lang, naisip ko, what's my main goal? Bakit ko ginagawa 'yun?Ang sagot ko? Para makita niya ako, mapansin. Selfish ba 'yun? What if ako pala 'yung hinahanap niya kanina? At least kung makikita niya ako, kuntento na siya (kung ako nga 'yung hinahanap ng mata niya). Sa tingin ko, hindi naman selfish 'yun. Dalawang linggo na kasi eh, 'yung parang walang tinginan. Nalulungkot naman akong isipin na wala na. I waited there for about fifteen minutes pero walang lumalabas. Naalala ko pa ang sarili ko na nagsabi na, 'kapag 8:10, uuwi na ako.'
Disappointed akong sumakay ng jeep. Pero nung palayo na 'yung jeep parang (PARANG!) nakita ko siya. Bakit kapag malayo ko lang siyang nakikita? Ayokong bigyan ng meaning 'yun. Habang nasa jeep ako, I looked for the positive side (na nakita ko siya!) para naman maganda 'yung bisperas ng ♥'s day ko!
<bow>
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment