Sa mga napapanood ko sa tv, nababasa sa novel, halos lahat doon close sila sa kanilang mga ama. Tuwang-tuwa ako sa bonding at relationship na meron sila. Hindi naman sa naiinggit ako pero ang cute lang tignan na sobrang nagmamalasakit sila sayo. Yun bang sobrang close mo yung tatay mo na parang bestfriend na ang turing mo.
Napagtanto ko ngayong araw, na kahit hindi pala kami maging sobrang close ng tatay ko, nararamdaman ko ang pagmamahal niya.He is willing to give anything to his children. Kung merong maibibigay, sige bigay. Kung wala, pasensya, next time na lang. Ganun ang tatay ko. He loves us pero hindi lang siya ganun ka showy, kapag pinagmasdan, inintindi at iisipin mong mabuti, makikita mong mahal talaga niya kami. In his own little way, ginagawa niya ang lahat para sa amin.
Gaya na lang ng nangyari ngayong araw. Well, actually i texted him yesterday. Sabi ko na pupunta yung mga classmate ko sa bahay at doon kami kakain. He asked why. Sabi ko, na manlilibre nga sana ako, kaso suggestion nila na kumain na lang sa bahay. So sabi ko bumili na lang siya ng kahit anong ulam. Kahit na siyam kaming kakain at alam kong wala siyang ganung sapat na pera, he still bought us food.
Tapos kanina, nung mga nandito pa ako sa bahay, nagtext siya na hindi pa raw dumadating yung kasama niya, so he texted my mother. Sabi niya, abunohan daw muna ni Mama kasi nangako raw siya sa akin. And that time, natouch talaga ako. Kasi kahit walang formal na nangako siya, pinanindigan pa rin niya na lulutuan niya kami. Pero biglang nagtext uli, na dumating na raw yung kasama niya so makakauwi na siya.
Tapos, nasa bahay na kaming siyam. Natatouch pa rin ako na nagluluto siya. Lalo na nung inabot niya ung 100 pesos (120 kasi yun, kinuha niya sa bulsa so i assumed na yun na lang yung pera niya) para pambili namin ng softdrinks. Tapos kanina habang nagpipicturan kami, yung ngiti niya na sabi ko nga sa kanya parang isip batang ngiti, natuwa talaga ako dun, kasi ewan, masaya ako na nakita ko siayang nakangiti. Kaya sabi ko nung bago kami umalis, babalik ng school, Thank you, thank you talaga.
Tapos kanina uli, mga gabi na yun, galit siya kasi gustong lumabas ni ate, pupunta sa kaibigan niya. Ayaw pumayag ni tatay, tapos nung pumunta si tatay ng banyo, doon na tumakas si ate. Tapos nung paglabas ni tatay sa banyo, sabi sa kanya ni mama na tumakas na nga daw si ate. Tinignan ko talaga yung mukha ni tatay nun, alammo yung mukhang malungkot na naiinis. Nalungkot nga ako nung time na yun, kasi feeling ko ansama ni ate kay tatay pero ang bait-bait ni tatay. Parang nakita ko yung lungkot sa mata niya dahil sinuway siya ng anak niya.
Tapos kanina, sale kasi sa mall, tapos pinakita sa balita, narinig ko sabi niya, kung may pera lang tayo, punta sana tayo diyan. And then naramdaman ko yung awa. Naaawa ako sa kanya kasi feeling ko gusto niya kaming dalhin dun at bilhan ng mga damit kaso wala ngang pera. Nalulungkot talaga ako.
Pero yung kwentuhan at tawanan namin kanina ng tatay ko, masaya na ako. Kasi kahit papano, napatawa ko siya sa kabila ng mga ginawa niya sa akin ngayong araw. Alam kong hindi sapat yung pagpapangiti o pagpapatawa ko sa kanya, pero pinapangako ko, babawi ako sa kanya, kapag nagkaroon naako ng sapat na trabaho. Pasasayahin ka talag siya ng todo-todo. Silang dalawa ni Mama.
Ang drama ko, hahaha, natutawa lang talaga ako sa tatay ko ngayon. I really love him. silang dalawa ni mama. Thankful ako kay Lord na sila ang naging mga magulang ko. Kahit magkaroon man ng problema sa amin, hinding hindi ko sila ipagpapalit sa ibang magulang. Si Mama din natouch talaga ako sa kanya ngayon. pero mas grabe kasi yung sa tatay ko.
Naalala ko, sabi ko kasi kay mama kanina, wala pa akong sapatos para sa debut ng classmate ko sa monday. Tapos biglang sabi ng tatay ko, 'ano bang gusto mong sapatos?'. Tapos sinagot ko siya, 'gagawa mo akong sapatos?'. Tapos pabiro niyang sabi, kukuha tayo diyan sa mga tambak natin diyan. Yung mga rubbershoes'. Sabi ko, 'debut yung pupuntahan ko tapos magrarubber shoes ako?' Sabi nilang dalawa, pero hindi naman sabay. ' Ayaw mo nun, mag-i-stand-out ka sa kanila'. Nagtawanan na lang kami.
Iyon lang, binuhos kolang ang damdamin ko. :)). Manonood pa akong Detective Conan eh. :)
<bow>
Friday, October 14, 2011
Wednesday, October 12, 2011
aw.
ang saklap sa isang tao kapag sobra niyang pinaghirapan ang isang bagay, tpos mababalewala lang sa isang pagkakamali. OKAY, let's be direct. it's my classmate. naglilista kc ung prof nmin nung mga nahuhuli niyang nandadaya. so ung taong yun. magaling siya sa isang subject. MAJOR subject. tpos sa ibang subject, nangongopya nlng cia. magaling ung strategy nia. but sometimes things come to their end. so knina mejo nahalata siya. at feeling niya nailista cia eh sa totoo nman, ndi nga kmi kilala ni ma'am, how come malalaman niya ang mga pangalan nmin. ang hindi niya alam, ang siguradong masisingko, ung friend niya, ay, ewan. pero i'm hoping na hindi talaga magbibigay ng singko ung prof.
kung ako ang magbabasa nito, hindi ko maiintidihan ang mga sinabi ko. hahaha. gusto ko lang ilabas ung mga nasa utak ko. hahaha. ang gulo ko.
sa totoo lang, kinakabahan lang ako kasi nakatingin sa side namin ung prof knina, kaya baka nasama ako sa listahan. pero may mga haka-haka kcng ndi talaga ung prof nmin ung naglilista. kundi iisang tao lng sa room. ung president nmin. who is my friend. pero sana, isaalang-alang niya ang pagkakaibigan namin. hahaha. adik., choks.
<bow>
kung ako ang magbabasa nito, hindi ko maiintidihan ang mga sinabi ko. hahaha. gusto ko lang ilabas ung mga nasa utak ko. hahaha. ang gulo ko.
sa totoo lang, kinakabahan lang ako kasi nakatingin sa side namin ung prof knina, kaya baka nasama ako sa listahan. pero may mga haka-haka kcng ndi talaga ung prof nmin ung naglilista. kundi iisang tao lng sa room. ung president nmin. who is my friend. pero sana, isaalang-alang niya ang pagkakaibigan namin. hahaha. adik., choks.
<bow>
Tuesday, October 11, 2011
happy birthday.
Birthday pala niya nung October 6, nakalimutan kong batiin. :).
HAPPY BIRTHDAY PCL. :)
HAPPY BIRTHDAY PCL. :)
God is Good
Ang bait talaga ni Lord. He gave me a chance. A chance na dapat ay mas ibigay ko pa yung best ko next sem. Although I gave what I thought was the best, parang hindi pa pla. Muntikan na ako dun sa mga delikado. The truth is ayoko talagang mag-SQE (Special Qualifying Exam for accountancy students having a grade of 2.25 below on major subjects like Accounting, IT, Law, English and Math). At ang pinakakinatatakutan ko lang ay ang magSQE sa accounting. Mahirap daw ang SQE ngayong 2nd year eh. kaya natatakot talaga akong kumuha ng exam na yun. Kaya kanina, muntik na tlaga ako, buti nlng nandyan si Lord, tinulungan niya ako sa buong first sem ko sa 2nd year at alam ko, hindi ako makakakuha ng dos kung hindi dahil sa kanya. I'm very thankful talaga. At alam ko, hindi pa dito natatapos ang journey naming dalawa, ang pagtutulungan namin, may next semester pa, at alam ko, lagi lang Siyang nasa tabi ko para umalalay at tulungan ako sa mga pagsubok na haharapin ko.
All is well. :)
I love you, Lord!. ♥♥♥
<bow>
All is well. :)
I love you, Lord!. ♥♥♥
<bow>
Thursday, October 6, 2011
done with the finals
the last time i wrote here, it was before midterm examination, now i'm writing again, 'coz tapos na ang finals namin sa accounting. alam mo yung sobrang relief na parang wala nang problema sa mundo kahit ang dami-dami pa. hahaha. :)).
parang gusto ko, etong blog ko, isusulat ko ung mga stories na naiisip ko, that would be the main purpose of this blog, tpos ung mga emotions at feelings ko ilalagay ko nlng kapag gusto ko talaga siyang ilabas. naisip ko, ipopost ko ung mga kwento ko, pero chapter by chapter, kundi part by part. hahaha. sana lng magawa ko. hahahaha.
hahaha. ndi pa namin sembreak, pero pipilitin ko tlaga makapagpost kahit everyday or every other day, makapagpost lng.hahahah. gege. :))
<bow>
parang gusto ko, etong blog ko, isusulat ko ung mga stories na naiisip ko, that would be the main purpose of this blog, tpos ung mga emotions at feelings ko ilalagay ko nlng kapag gusto ko talaga siyang ilabas. naisip ko, ipopost ko ung mga kwento ko, pero chapter by chapter, kundi part by part. hahaha. sana lng magawa ko. hahahaha.
hahaha. ndi pa namin sembreak, pero pipilitin ko tlaga makapagpost kahit everyday or every other day, makapagpost lng.hahahah. gege. :))
<bow>
Subscribe to:
Posts (Atom)
