Friday, February 11, 2011

February 11, 2011; 4:16 pm

, yan ung date sa mismong notebook ko. it's a diary or journal entry. bahala na kung anong itatawag nio. :) gusto ko lng siyang ipost dto sa blog. khit nakasulat cia sa ntbk ko. :)

     Natuwa ako sa classmates ko na nagsusulat ng diary. Isipin mong lalaki sila tapos nagsusulat sila. Ngayon lang ako nakakit nun (well, ung kakilala ko nman. syempre may mga lalaki din nman writer, si Bob Ong). Sa totoo lang hindi ako marunong sa mga tulad nito na paggawa ng diary (or let's say na journal entry). Ang gusto ko, gumawa ng story, nobela, love story o romance novel.

     N.P: Firework by Katy Perry

     Sa edad kong ito (I'm 16, turning 17 on March), NBSB ako! Oo! Inaamin ko, NBSB ako! No Boyfriend Since Birth. Wala pa ring first kiss pero wala akong pakialam dun. Ang naiisip ko, ano kaya 'yung feeling ng kapag hinalikan ka ng mahal mo or let's say one true love, mararamdaman mo 'yung fireworks. Pero totoo bang may ganun? O hanggang pelikula o nobela lang talaga 'yun. (well, cguro mas gugustuhin ko nang character ako ng nobela, para may possibility for Happy ending!)

    Kung may first kiss, may first love. Ang taong tulad ko, hindi ko alam kung nakaranas na ba ng first love. Ako pa naman ang taong maraming crush.

     Noong grade three ako, may umaming nagkacrush sa akin. (Ang bata pa noh?). Hindi, ang totoo niyan, nalaman ko lang 'yun sa iba tapos hindi nman niya tinanggi. Lagi kasi kaming magkasabay pag-uwi. Pero nung nalaman ko 'yun, nailang ako sa kanya.

     Kaya siguro wala nang nagkacrush sa akin {Wahahahah!!!!NAPAKA-ASSUMING!!!!} o kaya hindi ko pa nararanasan ang love dahil alam ng Diyos na maiilang lang ako kapag may nagkacrush sa akin. {ASSUMING talaga AKO!!!FEELER!!!!}...

     Pero alam mo kung ano talaga yung gusto ko? 'Yung lalaking magtatapat sa akin at tatanggapin kung ano ang imperfections ko. 'Yun bang patuloy pa ring lalapit kahit alam niyang naiilang ako. 'Yun bang nandyan siya para sa akin at sisikapin niyang alisin 'yung ilang na nararamdaman ko (kahit nahihirapan na siya). PERO...That's big...Masyadong perpekto ang hinihingi ko, kaya nga siguro wala talaga! NBSB na talaga!!!

     NBSB nga ako pero ako ang taong maraming crush. (Hopeless Romantic ba ang tawag dun???) Pero kapag ako may crush, sikreto lang. Close friends lang ang makakaalam. Ayoko nung malalaman nung crush ko kasi feeling ko hindi ko na siya makikita dahil magtatago siya para hindi ko siya makita.

     Noong Grade 6 ako, I have a crush. Bestfriend siya ng ng classmate ko (first time classmate ko nung grade 6). Pero sabi nung classmate ko na crush din daw ako nung crush ko. Nung una, naniwala ako (ang KAPAL KO noh?), masaya pero naalis na 'yung crush ko sa kanya dahil lagi siyang nasa 2nd floor, nandun kasi 'yung may crush sa kanya. (Lahat ata ng may crush dun, crush din niya eh. WAHA!)

     2nd year, nagkacrush ako. He's my longest crush. Hindi ko nga alam kung crush lang talaga 'yun kasi mula 'yun 2nd year hanggang ngayon. (sabi kasi nila na kapag lumagpas ng 5 months ang pagiging crush mo dun sa tao, ndi na daw crush yun. ibang level na). 'Yung ngayon, (kahit hindi ko na siya nakikita at malayo ako sa kanya), nasasabi kong may crush pa rin ako sa kanya, dahil gusto kong updated ako sa kanya kahit facebook lang.

     Third year, 3 crush kasama na 'yung long-time crush. Fourth year, apat kasama uli siya. (May masama ba sa crush? Baka iniisip mo na ang landi ko na, paghanga lang 'yan, wala nang iba. PROMISE!)

     Ngayon (college), dalawa...tatlo pala: si longt-time, si Cory (Monteith) look-alike at yung isa, (hindi ko siya kilala...nakikita ko lagi sa simbahan) medyo nawawala na, (siya ung tinutukoy ko sa last blog ko)...at ung Cory (Monteith) look-alike, dati ko lang siyang crush, o pati hanggang ngayon...EWAN!!!

     Hanggang dito na lang muna siguro. May next time pa naman!

PS: Ung mga nakaclose sa parenthesis, siningit ko lang yan habang nagtatype. ung nakaclose in bracket, sa notebook ko, nakaclose un in parenthesis. :))

<bow>

No comments:

Post a Comment