Tuesday, March 15, 2011

bakasyon na.................

     well, hindi siya summer vacation dahil may summer class po kami. bakasyon lang ng mga two weeks. pahinga muna sa maraming reports, quizzes at final exams. matulog, kumain, manood, magcomputer, magsulat ng nobela. yan lang ang gagawin ko, at least hindi ako mahihirapan sa pagmememorize ng mga marketing terms at kung anu-ano pa.

     dire-diretso na sana, kaso may SQE(Special Qualifying Examinations)...para maintindihan nyo. un ung exam para sa mga students na nakakuha ng 2.25 - 3.0 sa grade sa Accounting, English at Math. ang mahirap pa, kailangan mataas ang makuha mo sa exam na yun kasi, kahit na nakapasa tapos ang kukunin lang nila kunwari sa 1000 na nakapasa ay 700...ayun lang...ung highest 700 lng ang magpapatuloy sa 2nd year. kaya ang panalangin ko, hanggang ngayon, ay yung makakuha ng 2.0 sa accounting ngayong second sem, yun lang talaga., haaaaaaaaayyyyy.... kung sakali namang mag-SQE ako, sana maipasa ko, at makapagpatuloy sa 2nd year...gusto kong pumasa, gusto kong makatapos ng Accountancy.

     pero sa ngayon, pahinga muna ako, nakakapagod kasi mag-aral nang mag-aral. kaya, siguro may panahon na ako sa pagbablog. :)).

<bow>

No comments:

Post a Comment