Tuesday, December 21, 2010

PASKO na naman.

     Pasko na naman...ngunit wala ka pa...hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo...

     Isang part yan sa kantang Sana Ngayong Pasko na usung-uso sa mga SMP ngayong pasko...SMP...Samahan ng Malalamig ang Pasko...bakit ba nauuso 'yan...ndi ba nila naiisip ang mga pamilya nila nila o ang Diyos at sinasabi nilang member sila ng samahang 'yan???...haaaaayyyy...

      Sabi ng pare noong panlimang simbang gabi ko...sabi niya...bakit ganun ang mga kantang pamasko ngayon...un bang mga nauusong kanta ngayon...nagbigay pa siya ng halimbawa...at ung kantang Sana Ngayong Pasko ata ung binigay niyang example...bakit daw nawawala ang pangalan ni Jesus Christ sa mga kanta...eh ang totoo namang ipinagdidiwang natin ay iyong birthday ni Jesus...hindi kasawian ng iba....nakakalimutan na raw natin Siya at kung anu-ano na ang nauuso...at sobrang AGREE ako sa kanya..

      Isa pang sinabi nung pari...na bakit daw tayo 'ung mga makakapal na nanghihingi ng regalo eh hindi naman natin birthday...pwera na lang kung bday mo talagan ng december 25...bakit ndi natin bigyan si Jesus ng regalo...tutal bithday naman niya...

      Kaya sana itong darating na Pasko...let's do extraordinary...not just ordinary...kahit un lang iregalo natin sa Kanya...alam ko masaya na Siya dun...:)

      Dalawang simba na lang at kumpleto ko na ang simbang gabi...:)...yesssss!!!!

      Merry Christmas everyone...:)
      Happy Birthday Jesus...:)

<bow>

Friday, December 17, 2010

ang gulo natin,,,

     Bakasyon na naman....ang pinakahihintay ng bawat tao lalung lalo na ng mga estudyanteng tulad ko...hahaha...pahinga tayo sa nakakatamad na pagpasok araw-araw...sa walang tigil na pakikinig sa mga teachers, pag-aaral sa mga recitations at quizzes...pero kapag dumating na ang mismong bakasyon...marami na tayong reklamo..

     Isa na sa mga reklamong ito ay iyong masasabi na lang natin ang mga katagang "Namimiss ko na ang mga kaibigan ko"...ung iba kahit ilang araw pa lang ang bakasyon...sinasabi na ang mga katagang 'yan...may mga pahabol pa nga minsan na..."I can't wait to see you soon"

     Boring...ang salitang uso kapag nasa bahay tayo at ang sistema lang natin ay...kumain, matulog, manood, magcomputer,,,syempre mamimiss natin ung mga ginagawa natin sa school kasama ang mga friends natin...at nakakasawa rin ang paulit-ulit...

     Pera...ang malaking kawalan ng pera...syempre...isa naman sa habol natin kaya sinisipag tayong pumasok ay ang magkaroon ng pera eh...kapag bakasyon...walang baon...walang pera...kpag bago pa naman magbakasyon...mahilig tayong maglaboy o gumala sa mall...bonding time bago magbakasyon...kaya dun palang ubos na ang pera natin...

     Pero kahit bakasyon...hindi mawawala ang mga projects...quizzes, recitations or reports kapag resume ng class...kaya nagiging busy rin ang bakasyon natin...

     Kapag bisperas na ng pasukan...excited na ang lahat...makikita na uli natin ang mga classmates natin...tapos pag tumagal-tagal na uli ang school days...magsisimula na uling tamarin kaming mga estudyante...at muling maghahangad sa darating na bakasyon...at paulit-ulit na...

     Ano ba talagang gusto natin????bakasyon o may pasok???

    Sa tingin ko, gusto natin ung may pasok kasama ang mga kaibigan natin pero walang klase...at ung bakasyon na magkakasama kaung magkakaibigan...ano un?parang cnabi ko na rin na 'wag na tayong pumasok at magbarkada na lang...mahalaga ang pag-aaral...parte ng buhay ito kaya dapat ay nakikisabay na lang tayo sa alon...malaki rin naman ang maitutulong nyon sa ating kinabukasan e...

<bow>

Monday, December 13, 2010

super excited!!!!

     kahit may klase pa kami bukas....excited na ako...dahil bukas na ang last day ng klase namin sa taong 2010...at bukas na rin ang "christmas party" ng cheebadings...excited!!!excited!!!...ndi ko alam kung bakit pero bka sa gift na matatanggap..:)...i love gifts...i super love ♥♥♥ gifts..:)))..
     andami kong expectations kasi mahaba ung break time namin...unang subject ay accounting 7:30 - 9:00...tpos nun break na hanggang 3:00...tpos 3:00 - 4:30...english namin..ampanget ng sched pero ok lng...hahaha...
     nakaplano na ang pupuntahan at gagawin namin...simple lang naman eh...pupunta ng SM Sta. Mesa...tpos kakain...nood sine...tpos baka bigayan ng gifts,,,basta un...ndi ko lng alam ang sunud-sunod...:))
     nga pala...natapos ko na ung chapter 1 ng nobela ko...sa tinagal-tagal natapos din...kaso bka ndi ko nman magawa ung chapter 2...kasi gagawa ako ng panibagong story...ung classmate ko kc...nagrequest na gumawa ako ng novel...about 100 days relationship or something like that...
     anyway, excited pa rin ako bukas...hahaha...sana kumpleto ang cheebadings bukas..:))...

<bow>

Saturday, December 11, 2010

MGA QUOTES NI BOB ONG

1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

2. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

3. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."

4. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

5. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

6. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

7. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

8. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

9. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

10. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

11. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

12. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

13. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

14. "nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

15. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

16. "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "

17. "hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

18. "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

19. "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

20. "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

21. "Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

<bow>

Wednesday, December 1, 2010

mga ahmmm...ano bang dapat itawag sa kanya?

     Ano nga bang dapat itawag sa taong:
  • tinitignan ka na parang hindi mo alam ang dahilan niya at parang ang dating sa'yo ay parang masama dahil ang lamig ng trato niya sa'yo pero ndi mo maintindihan ang meaning ng tingin niya (gets?)
  • lahat ng post or comment ng kakilala or classmate mo tapos kontra sa'yo ung post/ comment, nila-like niya.
  • tinutulungan mo na nga siya na matama ung mali niya, ikaw pa ung sinigawan niya.
  • kapag ikaw ang napahiya, parang kulang na lang ay pagduldulan nilang napahiya ka.
  • hindi naman siya ganun sayo nung first sem pero biglang nagbago nung second sem.
  • parang kontra siya sa mga sinasabi mo
Ano nga bang dapat itawag sa kanya????

<bow>