Bakasyon na naman....ang pinakahihintay ng bawat tao lalung lalo na ng mga estudyanteng tulad ko...hahaha...pahinga tayo sa nakakatamad na pagpasok araw-araw...sa walang tigil na pakikinig sa mga teachers, pag-aaral sa mga recitations at quizzes...pero kapag dumating na ang mismong bakasyon...marami na tayong reklamo..
Isa na sa mga reklamong ito ay iyong masasabi na lang natin ang mga katagang "Namimiss ko na ang mga kaibigan ko"...ung iba kahit ilang araw pa lang ang bakasyon...sinasabi na ang mga katagang 'yan...may mga pahabol pa nga minsan na..."I can't wait to see you soon"
Boring...ang salitang uso kapag nasa bahay tayo at ang sistema lang natin ay...kumain, matulog, manood, magcomputer,,,syempre mamimiss natin ung mga ginagawa natin sa school kasama ang mga friends natin...at nakakasawa rin ang paulit-ulit...
Pera...ang malaking kawalan ng pera...syempre...isa naman sa habol natin kaya sinisipag tayong pumasok ay ang magkaroon ng pera eh...kapag bakasyon...walang baon...walang pera...kpag bago pa naman magbakasyon...mahilig tayong maglaboy o gumala sa mall...bonding time bago magbakasyon...kaya dun palang ubos na ang pera natin...
Pero kahit bakasyon...hindi mawawala ang mga projects...quizzes, recitations or reports kapag resume ng class...kaya nagiging busy rin ang bakasyon natin...
Kapag bisperas na ng pasukan...excited na ang lahat...makikita na uli natin ang mga classmates natin...tapos pag tumagal-tagal na uli ang school days...magsisimula na uling tamarin kaming mga estudyante...at muling maghahangad sa darating na bakasyon...at paulit-ulit na...
Ano ba talagang gusto natin????bakasyon o may pasok???
Sa tingin ko, gusto natin ung may pasok kasama ang mga kaibigan natin pero walang klase...at ung bakasyon na magkakasama kaung magkakaibigan...ano un?parang cnabi ko na rin na 'wag na tayong pumasok at magbarkada na lang...mahalaga ang pag-aaral...parte ng buhay ito kaya dapat ay nakikisabay na lang tayo sa alon...malaki rin naman ang maitutulong nyon sa ating kinabukasan e...
<bow>
No comments:
Post a Comment